PDU30, inakusahan ang Senado na sangkot sa ‘fishing expedition’
- Published on September 22, 2021
- by @peoplesbalita
MULING binatikos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga senador lalo na si Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon, dahil sa halatadong pag-witch hunt para makakuha ng ganansiya sa politika.
Sa mga bagong bira ng Pangulo laban kay Gordon, inulit ng Chief Executive ang kanyang akusasyon laban kay Gordon na ginagamit ang kanyang posisyon para kanyang kapakinabangan sa politika.
“Sabihin mo kung ano ang kulang para malaman namin. Ngayon kung mayroon kang nakita, ilabas mo na para malaman namin kung ano ‘yan. And because you cannot find any overpricing, or it’s because a witch hunt, a fishing expedition, or a political circus. Na kunwari sa panahon na ito, ikaw ang graft buster. Ikaw ang naghahanap ng katiwalian sa gobyerno,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, araw ng Lunes.
“Is the ongoing inquiry truly in aid of legislation, or is it for political purposes? The simple fact is that the Blue Ribbon Committee has failed to produce anything to prove its accusation of corruption,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.
Matatandaang, nauna nang binanatan ni Duterte si Gordon sa gitna ng imbestigasyon ng senate blue ribbon committee sa mga diumano’y korapsyon na nangyayari sa kasalukuyang administrasyon.
Sa kanyang “Talk to the People” tinanong ni Duterte si Gordon kung bakit nga ba libre ang nakukuhang dugo ng Philippine Red Cross na pinamumunuan ng senador ngunit may bayad na ito pag kinailangan na ng mga tao.
Naniniwala ang Pangulo na may nangyayaring korapsyon sa Red Cross sa ilalim ng pamumuno ni Gordon.
“May I remind the good senator, that alam mo yung corruption mo dyan sa Red Cross, buhay ang nilalaro mo dyan. As a matter ang kapital mo nga, dugo. Hindi ka na nahiya dyan?
“Mahilig kayong magpa-bloodletting. Isang batalyon na pulis, isang batalyon na army. Tapos ang mga tao dyan kung kailangan, bumili. Ang mahirap dyan o mayaman, gusto ng dugo sa Red Cross, nagbabayad!
“Eh saan naman yung mga dugo na kinuha mo dyan sa mga sundalo pati pulis pati sibilyan? I’m just trying to reconcile… Magbayad ka maski mahirap ka.” ani Duterte.
Sinabi din ng Pangulo na kakausapin niya si ‘Dracula’ ang sikat na sikat na bampira para kunin ang dugo ng Senador.
Matagal ng kwestiyon ng mga tao ang paniningil ng Red Cross sa dugo.
Sinagot naman ito ng isa sa mga trabahador ng nasabing organisasyon at sinabi na ginagastusan ng Red Cross ang ilang test para masigurado na ligtas ang dugo na isasalin sa pasyente.
Magugunitang hiniling ng Pangulo sa Commission on Audit (COA) na imbestigahan ang Red Cross dahil sa diumano’y korapsyon na nangyayari sa organisasyon. (Daris Jose)
-
LUIS, maraming pinagdaanan at inamin na nagkahiwalay sila ni JESSY habang may pandemya
KUNG tutuusin, masuwerte si Luis Manzano dahil hindi naging hadlang ang pandemya para ma-achieve niya ang ilan sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay niya. Engagement at kasal nila ni Jessy Mendiola. Then, hindi rin siya nawalan ng work at may sariling business na nagtuloy-tuloy lang din at mga endorsements. Pero sa […]
-
KAPISTAHAN NG POONG NAZARENO, KASADO NA
ALL system go na para sa Kapistahan ng ng Itim na Poong Nazareno o Nazareno 2023 sa Enero 9. Sa press conference na dinaluhan ni Manila Mayor Honey Lacuna, MPD,BFP,DOH,MMDA,AFP at iba pang ahensya ng gobyerno at nang ilang opisyal ng Quiapo church inilatag ang ilang mga panuntunan sa naturang aktibidad. […]
-
COVID-19 surge sa Cavite, Rizal, at Bulacan, bumabagal – OCTA
ANG PAGTAAS ng mga kaso ng COVID-19 ay maaaring bumagal sa Cavite, Rizal, at Bulacan ngunit nasa maagang yugto pa rin ito sa ilang probinsya, ayon sa independent analytics group na OCTA Research. Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na bumibilis pa rin ito sa Batangas at Isabela. Sa […]