• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Enrile, gustong ideklarang persona non grata ang ICC

SINABI ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na hindi dapat payagan na makapasok ng bansa ang International Criminal Court (ICC) probers para magsagawa ng pormal na imbestigasyon hinggil sa kampanya laban sa illegal na droga ng pamahalaan.

 

“Pag punta dito, dapat wag papasukin sa bansa. Prevent him. The Immigration must not allow him to come in. He is a persona non grata,” ayon kay Enrile.

 

Nanawagan din si Enrile sa sambayanang filipino na ipagtanggol si Pangulong Rodrigo Roa Duterte mula sa mga kritiko na sumusuporta sa imbestigasyon ng ICC sa drug war ng administrasyon.

 

“Yung International Criminal Court na ‘yan, pinipilit nila na imbestigahin ang Presidente ng Pilipinas , they do not realize that he’s authorized by the Constitution to enforce the laws,” anito.

 

Aniya, ang highest elected official ng bansa ay maaari namang papanagutin sa pamamagitan ng impeachment, wala aniyang dahilan para umeksena pa ang ICC.

 

Sa halip, marapat lamang na magkapit-bisig ang mga filipino para protektahan si Pangulong Duterte bilang “symbol of statehood.”

 

“Tayong mga Pilipino puwede natin patikwasin ang Presidente natin, pero pag aapihin ng taga labas, ang Presidente ng Pilipinas, simbolo ng ating estado …we must all bond together to support him and throw out any foreigner who cast any doubt on the authority and nobility on our President,” anito.

 

Tila ginagamit ayon kay Enrile ng ICC ang mga kritiko ni Pangulong Duterte para isulong ang kanilang “political agenda.”

 

“Kung tayo’y talagang Pilipino, ipagtatanggol natin yung hinalal ng makapangyarihan na botante ng Pilipinas bilang hari natin. Huwag natin papayagan bastusin ng banyaga. …A slap on our President by others, from other countries is a slap on the Filipino people,” aniya pa rin.

 

Giit ni Enrile na ang mga sumusuporta sa ICC probe ay ” most likely communists.”

 

“Yang mga sumusuporta diyan sa mga ‘yan mga kaliwa na lumalaban sa uri ng gobyerno natin. E ang mga followers ni Karl Marx yang mga ‘yan, ni Lenin. Kung gusto nila maging komunista, di pumunta sila sa Russia, pumunta sila sa North Korea,” anito.

 

Aniya, ang communist type of government ay “impractical” sa kasalukuyang kalagayan ng bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Pamilya ng mga drug war victims: Duterte dapat managot

    NAGTIPON ang pamilya ng mga biktima ng madugong “drug war” ni dating Pangulong Rodrigo ­Duterte nitong Linggo upang gunitain ang ika-walong ­anibersaryo nang pag ala-ala sa kanilang mga namatay na kamag-anak.     Ginawa ang pagtitipon sa Siena College Chapel kung saan nanawagan sila na dapat managot si Duterte ang iba pang sangkot sa pagkamatay […]

  • LTO naka-alerto ngayong Semana Santa

    MAGPAPATUPAD ang Land Transportation Office (LTO) ng heighten alert sa Marso 31 bilang paghahanda sa Semana Santa.     Ayon kay LTO Chief Jay Art Tugade na ipapatupad nila ang “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa and Summer Vacation 2023.” para matiyak na ligtas ang mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya.     Ilan […]

  • Ginastusan para mabuo ang 50th MMFF entry… ‘Uninvited’ nina VILMA, never naisip ni BRYAN na magkakatotoo

    KALAT na ang tsikang nakatakdang mamaalam sa GMA station ang ABS CBN produced noontime show na “It’s Showtime.“   Pero from a source ay walang katotohanan daw na ang TAPE Inc. na dating producer ng “Eat Bulaga” ang gagawa ng isang noontime show kapalit ng “Its Showtime “ at makakatapat ng “EB”.   But may […]