Pfizer COVID-19 vaccine ligtas ng gamitin sa mga batang edad 5-11
- Published on September 22, 2021
- by @peoplesbalita
Inanunsiyo ng Pfizer na ligtas na gamitin ang kanilang COVID-19 vaccine sa mga edad 5 hangang 11.
Ito ay base aniya sa isinagawang medical trial ng kumpanya.
Ang trial ay kinabibilangan ng 2,268 na mga may edad 5-11 na gumamit ng dalawang dose regimen ng bakuna na itinurok na may 21 araw na pagitan.
Ginamit nila dito ang 10-microgram dose o mas maliit ng 30 microgram dose na ginagamit sa mga may edad 12 pataas.
Parehas din aniya ang side effects na naramdamdam sa mga may edad 16 pataas ang naranasan ng nasabing sumali sa clinical trial.
Plano ng kumpanya na ipasa sa US Food and Drug Administration ang kanilang clinical studies para sa emergency use authorization.
-
MPD AT NPC, NAG-USAP
NAKIPAGDAYALOGO ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa National Press Club o NPC para na rin sa kaligtasan ng mga mamamahayag alinsunod na rin sa direktiba ni PNP Chief Lt.Gen.Rodolfo Azurin Jr . Sa kanyang kautusan, inatasan ang mga district director na magsagawa ng “Dialogue and Threat Assessment on Media Personalities” sa […]
-
Pinas, US foreign affairs, defense secretaries magpupulong sa Washington
MAGDARAOS ang mga Kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) ng Pilipinas at Estados Unidos ng high-level meeting sa Washington sa darating na Abril. Layon nito na palakasin ang kanilang political at military engagement sa harap ng posisyon ng China sa South China Sea. Sinabi […]
-
BAGONG KASO NG DELTA VARIANT NATUKOY
KINUMPIRA ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na 319 bagong kaso pa ng Delta variant ang natukoy sa pinakahuling genome sequencing na ginawa ng Philippine Genome Center nitong September 18. Bukod dito nakapagtala rin ng 13 na bagong kaso ng Alpha variant at 9 na bagong kaso ng Beta variant […]