• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, inakusahan ang Philippine Red Cross na “sablay” sa pagsasagawa ng COVID tests

PINARATANGAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Philippine Red Cross na sablay sa pagsasagawa ng COVID-19 tests sa bansa dahil sa makailang ulit na pagkakamali na pagbibigay ng resulta nito.

 

Sa Talk to the People, araw ng Lunes ay isiniwalat ng Pangulo ang 44 hospital personnel, na nadeklarang COVID-19 positive ng Philippine Red Cross matapos ma-swab test, subalit naging “false positives” naman matapos na sumailalim sa confirmatory tests sa ibang molecular laboratory.

 

HIndi naman binanggit ng Pangulo kung saang medical institution nagta-trabaho ang mga nasabing frontliners.

 

Binanggit din ng Chief Executive ang isa pang report kung saan ay mayroong mahigit na 200 personnel ng Presidential Security Group at Department of Finance ang na-diagnosed ng Red Cross na positibo sa Covid 19 subalit nag-negatibo naman matapos ang confirmatory tests.

 

Dahil dito, muling winakwak ng Pangulo si Sen. Richard “Dick” Gordon, chair ng Philippine Red Cross, dahil sa reports ng COVID-19 tests ng organisasyon.

 

“Ang mahirap nito Dick, paano ‘yung mga tao na tumanggap na lang sa PCR test ninyo na positive sila, when all along, negative sila. But because walang pera . . . The meek, unassertive ones pasunod-sunod na lang and had to endure a confinement of two weeks. When all along, tested negative pala sila,” ayon sa Pangulo.

 

“‘Yan ang problema mo sa Red Cross. Problema ka na, problema pa ang Red Cross sa iyo,” dagdag na pahayag nito.

 

Kaya, dapat lamang na imbestigahan ng Department of Health ang reports ng Red Cross sa kanilang COVID-19 tests.

 

“Ilan ‘yung nadagdag dun sa nagpositive sa isang araw … na negative. Nasali na dun sa numero na napakarami … how sure are we now in our figures?” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Morissette at nobyong kapwa singer na si Dave Lamar, engaged na

    Masayang ibinahagi ng singer na si Morisette at Dave Lamar na sila ay engaged na.   Sa kaniyang Instagram account, nagpost ng larawan ang 24-anyos na si Morisette na kasama ang 30-anyos na kapwa singer at suot ang engagement ring. Kuwento pa nito na siyam na taon na sila magkakilal at pitong taon na naging […]

  • Ruffa at KC, nag-abot sa pagdadala ng relief goods sa mga nasalanta

    PATULOY ang pagtulong ng ating mga artista at celebrities sa pagdu-donate ng relief goods sa mga lugar sa bansa na nasalanta ng tatlong bagyong dumaan.   Hardly hit ang mga Cagayanons sa Northern Luzon particularly ang Isabela, Cagayan at Tuguegarao.   Nag-post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram ng kanilang relief operations, kasama ang mga […]

  • Warriors star Stephen Curry hindi makakapaglaro ng 2 laro dahil sa injury

    POSIBLENG hindi makakasama ng Golden State Warriors ng dalawang laro si Stephen Curry matapos na magtamo ng injury.     Ayon sa Warriors, na nagpapagaling ito sa kaniyang ankle injury.     Natamo nito ang nasabing injury sa pagkatalo ng Warriors laban sa Los Angeles Clippers nitong Lunes sa score na 112-104.     Sumailalim […]