• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Store owner arestado sa ilegal na refilling ng LPG

KALABOSO ang isang umano’y may-ari ng illegal liquefied petroleum gas (LPG) refilling station matapos maaresto sa isinagawang entrapment operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong suspek na si Steven Joe Gervacio Lucas, 25, may-ari ng Marben Trading at residente ng Km 17, Mac Arthur Highway, Malanday.

 

Ani Col. Ortega, lumapit sa kanila ang complainant/representative ng Petron Corporation at Isla Petroleum & Gas Corporation na si Celestino Molina Foronda, 51, brand protection agent upang humingi ng tulong hinggil sa illegal refilling, marketing at distribution ng kanila- kanilang produkto ng Marben Trading

 

Kaagad inatasan ni Col. Ortega ang mga operatiba ng Station Intelligence Branch (SIB) na magsagawa ng entrapment operation kontra sa suspek sa kanyang tindahan sa Km 17, Mac Arthur Highway dakong alas-3:15 ng hapon.

 

Dalawang saksi na kinilalang si Joelito Villaseñor at Gilbert Soriano na umaktong poseur- buyer ang bumili sa suspek ng tig-isang 11 kilogram LPG Petron Gasul tank na nagkakahalaga ng P730.00 at Solane gas tank na nagkakahalaga ng P750.00.

 

Matapos tanggapin ng suspek ang marked money, agad nagbigay ng signal ang dalawang saksi kaya’t kaagad na lumapit ang mga operatiba at nagpakilalang mga pulis saka inaresto si Lucas.

 

Narekober sa suspek ang marked money at ang ilang piraso ng LPG tanks na may mga pekeng gas seal na nakuha sa kanyang tindahan. (Richard Mesa)

Other News
  • Nire-recruit na maging part sa pagpuksa sa ‘dogs slaughter’: KORINA, nagpaka-fangirl kay RAYMOND at nalamang dream maging ‘superhero’

    NAGPAKA-FANGIRL si Korina Sanchez at may nalaman siya tungkol sa lovelife ni Raymond Bagatsing.     “I admit. I admire only a few actors. Ilan lang na artista ang hinahangaan ko. And bilib ako kay Raymond Bagatsing”, ayon sa veteran broadcaster sa kanyang recent interview with the award winning actor.     Sino ba ang […]

  • PBBM sa AFP, tiyakin ang mapayapang BARMM Parliamentary elections

    NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Sulu na tiyakin na makapagdaraos ng mapayapang eleksyon para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliament sa susunod na taon.     Kailangan na ang BARMM parliamentary elections ay mapayapa at ligtas, ang sinabi ng Pangulong […]

  • LeBron, maaari nang maglaro matapos ang 8 negative COVID-19 results – NBA

    Binigyan na ng “go signal” ng NBA (National Basketball Association) na muling makalaro ang basketball superstar na si LeBron James matapos magpakita ng walong negative results sa kanyang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) tests.     Dahil dito, inaasahan na muling makakasama ng Los Angeles Lakers si LeBron sa laro bukas kontra sa mahigpit na karibal […]