• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ISKO AT DR.WILLIE ONG, NAGSANIB PUWERSA

IIWAN na ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang Maynila at ipagkakatiwala nito ang pamamahala kay Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna- Pangan ang pagiging punong ehekutibo sa lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila.

 

Ito ang sinabi ni Domagosa kasabay ng ginawa nitong proklmasyon ngayon araw sa kanyang kandidatura sa pagka- Pangulo ng bansa sa darating na 2022 national election.

 

 

Ayon kay Isko, kumpiyansa siya na kayang ipagpatuloy ni Vice Mayor Lacuna ang kanyang mga nagawa partikular na ang mabilis na pagtugon sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19.

 

 

Aniya, malaki ang naging ambag ni Lacuna, partikular na sa isyu ng pangkalusugan, kung saan mabilis ang responde ng pamahalaang lungsod tulad ng pagbili ng mga kailangang gamot na Remdesivir at Tocilizumab, malawakang pagbabakuna, pagbili ng mga kinakailangang makina, pagpapatayo ng mga pasilidad at ospital.

 

 

 

Si Dr. Willie Ong ang napili naman nitong bilang running mate na napapanahon ngayong nahaharap sa krisis ang buong bansa bunsod ng pandemya.

 

 

 

Kasabay ng pag-anunsyo ng magiging kapalit ni Domagoso bilang alkalde sa Maynila, hindi naman pinangalanan kung sino ang magiging ka-tandem ni Lacuna bilang Vice Mayor nito. Sa kabila ng pahayag ay matunog naman ang pangalan ni Manila 3 rd District Congressman Yul Servo na tatakbong bise alkalde ng lungsod.

 

 

Nanindigan namn si Doc willie ong na hindi siya maninira ng kanyang mga kalaban sa pagka ikalawang pangulo ng bansa.

 

 

Sa ginawang pag anunsyo bilang running mate ni Isko, sinabi nito na nais niya lang makatulong sa publiko.

 

 

Giit nito mag titiis siya sakaling pulitikahin ng kanyang mga makakalaban pero ang kanyang paninindigan ay ang makatulong sa mga may sakit na Pilipino. (Gene Adsuara)

Other News
  • RURU, naglalakihan na ang braso at dibdib dahil sa ‘intense workout’; paghahanda para sa ‘Lolong’

    BORTANG-BORTA ang pangangatawan ni Ruru Madrid sa isang video post nito sa Instangram kunsaan nagwu-workout ito bilang paghahanda sa pagbibidahan niyang teleserye sa GMA na Lolong.     Naglalakihan ang mga muscles sa braso ni Ruru habang nagbubuhat ito ng weights. Kitang-kita rin ang malaking dibdib ng aktor na kinasasabikan na ng nga beking makita […]

  • Malakanyang, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Sec. Sitoy na pumanaw na

    NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya, mahal sa buhay at mga kasama ni Secretary Adelino Sitoy of the Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) na pumanaw na sa edad na 85.   Para sa Malakanyang, nakatulong si Sitoy sa pakakapasa sa mga mahahalagang legislative reform measures ng Duterte administration.   Bilang pinuno ng PLLO, tinitiyak […]

  • Dahil may umiiral na non-disclosure agreement: Sen. ROBIN, pasok sa ‘Maid in Malacanang’ pero palaisipan pa ang role

    MAY umiiral palang NDA (non-disclosure agreement) sa pagitan ng Viva Films at sa bumubuo ng production ng “Maid in Malacanang” na dinidirek ni Darryl Yap.       Ang ibig sabihin nito, walang pwedeng lumabas na balita tungkol sa movie at sa shooting, kung walang pahintulot ni Boss Vic del Rosario at ng Viva Films.  Kaya […]