Canelo Alvarez at Caleb Plant promo tour, nauwi sa suntukan
- Published on September 24, 2021
- by @peoplesbalita
Muntik mauwi sa todong labu labo ng suntukan ang dalawang mahigpit na magkaribal na sina super middleweight champion Canelo Alvarez at Caleb Plant habang nagsasagawa ng promotional tour ng kanilang laban sa Beverly Hills, California.
Una rito nag-face off ang dalawa at nagkadikitan ang mukha habang nagpapalitan ng maanghang na salita at nagpormahan.
Sinabi raw kasi ni Caleb na mandaraya noon sa droga si Alvarez.
Dito, hindi nagustuhan ni Canelo ang bastos daw na salita ni Plant kaya bigla niya itong itinulak.
Sumugod na bigla si Caleb at nagpakawala ng left cross na nailagan naman ni Alvarez.
Akma namang magkaroon na ng riot, hanggang awatin ng kanilang mga staff ang dalawang magkalabang boksingero.
Si Canelo (56-1-2, 38 KOs) ay kampeon sa WBC, WBO, WBA at Ring Magazine champion Alvarez habang si Caleb (21-0, 12 KOs) ay wala pang talo ng siyang ay IBF champion.
Aayat ng ring ang dalawa sa November 6 sa MGM Grand sa Las Vegas.
-
Celtics inangkin ang 2-1 bentahe
NAGPASABOG sina Jayson Tatum at Jaylen Brown ng pinagsamang 53 points para banderahan ang Celtics sa 116-100 paggiba sa Golden State Warriors sa Game Three ng NBA Finals sa TD Garden. Bumalikwas ang Boston mula sa kabiguan sa Game Two sa San Francisco para kunin ang 2-1 lead sa kanilang best-of-seven series ng […]
-
PBBM, patuloy na ihihirit sa gobyerno ng Indonesia na bigyan ng pardon si Mary Jane Veloso
PATULOY na ihihirit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gobyerno ng Indonesia na bigyan ng commutation o pardon ang pinay na si Mary Jane Veloso na nasa death row ng nasabing bansa dahil sa kasong droga. “We haven’t really stopped. The impasse is we continue to ask for a commutation or even a […]
-
Juico pinamamadali ang Phisgoc report
ISANG mosyon ang isinumite ni Philippine Athletics Track and Field Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico na humihimok sa Phil- ippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC na ipasa agad ang audited financial report sa pagdaraos ng bansa ng 30th South- east Asian Games noong Disyembre 2019. Ginawa ng opisyal ang hakbang […]