• April 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FEEDER ROUTES ng mga PAMPUBLIKONG SASAKYAN NA MAARING TAMAAN ng MASS-TRANSPORT TRANSIT, PAGHANDAAN!

Magandang balita sa mga pasahero na nasimulan na o sisimulan na ang mga mass-transport system lalo na sa Metro Manila.  Mas mabilis, mas maginhawa at mas maraming maisasakay.  Ang kailangan din na paghandaan ay yung mga feeder routes ng mga jeeps, UV express, at buses na kakailanganin para makarating ang mga pasahero sa mga istasyon ng mga mass-transport tulad ng tren o MRT.

 

 

 

Kailangan din mapaghandaan ito upang ang apektadong mga public transport na may ruta doon ay hindi ma-displaced at hindi mawalan ng hanapbuhay dahil sa epekto sa mga ang linya nila at maaaring mabawasan ang pasahero na pupunta na sa mass-transport system.   Kaya kailangan maaga pa lang ay maihanda na ang mga bagong ruta para hindi maging ka-kumpetensya ng tradisyonal na public transport ang mass-transport bagkus maging complementary ang bawat isa sa pagsisilbi sa riding public.

 

 

 

Ano ang mga byahe na bubuksan para makarating sa stations ang mga pasahero?  Saan ang kanilang mga terminal? At iba pang isyu. Bilyong piso ang gagastusin sa mga infrastructure ng mass-transport. Sana bahagi sa gagastusin ay ang tulong sa mga maaapektuhang drivers at operators. (Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • Kidapawan, DavNor swimmers magilas sa FINIS Mindanao leg

    UMAGAW ng eksena ang mga tankers ng Kidapawan Long Wave Swim Team at DavNor Blu Marlins Swim Team sa Mindanao leg ng 2022 FINIS Short Course Swim Series sa Governor Douglas RA Cagas Sports, Cultural and Business Complex sa Matti. Davao del Sur.     Sinabi ni FINIS Phi­lippines Managing Director Vince Garcia na ang […]

  • JOHN, mukhang susunod nang magpapaalam sa ‘Ang Probinsyano’; magko-concentrate na lang sa ‘It’s Showtime’

    MUKHANG si John Prats na kaya ang bagong malalagas sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano.     Isa si John sa members ng Task Force Agila pero sa isang teaser ipinakitang duguan ito at naghihingalo habang tinatawag si Cardo.     Nabaril si John matapos na mapagtripan ng ilang kalalakihan.     Hindi naman bago […]

  • Valenzuela nagsagawa ng pagsasanay sa mga guro para sa paghahanda sa reading camp 2024

    NAGSAGAWA ang Valenzuela City, sa pakikipagtulungan ng Synergeia Foundation at DepEd Valenzuela ng komprehensibong pagsasanay para sa mga guro bilang paghahanda para sa Valenzuela Reading Camp 2024 sa WES Events Space Lawang Bato.       64 na guro, na kilala rin bilang “reading coordinators ang sumailalim sa komprehensibong pagsasanay sa pagtuturo sa Valenzuela Reading […]