CARLA, natawa sa birong pagod na ikakasal kay TOM sa November pero blooming pa rin
- Published on September 24, 2021
- by @peoplesbalita
MABABAGO pala ang date ng church wedding ng mga Kapuso stars na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.
Ang una kasi nilang announcement ay October 23 na magaganap sa Tagaytay Highlands, pero binago na nila this November, 2021.
Medyo mahirap daw na pinagsabay nila ni Tom ang work at ang pagpa-plano ng kasal. Pareho kasi silang naka-lock-in taping, siya sa To Have And To Hold at si Tom ay sa lock-in taping naman ng The World Between Us.
“Okey lang naman dahil lahat naman ng meetings ko with the supplier ay virtual,” sagot ng actress sa question sa kanya sa zoom mediacon nila nina Max Collins at Rocco Nacino.
“Iyon nga lamang may mga bagay na mahirap gawin, kaya hinaharap ko ito kapag naka-lunch break ako, saka ako nakikipag-meeting sa wedding planner namin. At nasusunod naman ang mga pinag-uusapan namin.”
Natawa si Carla sa biro na siya ang pagod na ikakasal but still blooming at halatang excited na sa nalalapit na kasal nila ni Tom.
Sa Monday na, September 27, ang world premiere ng To Have And To Hold, 8:50 PM, pagkatapos ng Legal Wives, papalitan nila ang Endless Love na finale episode na tonight, September 24.
***
NO problem naman kay Rocco Nacino kung hindi siya ang original choice to play the lead role sa GMA Primetime drama series na To Have And To Hold.
Dapat kasi ang gagawin niyang serye ay Artikulo 247 sa GMA, pero inilipat nga siya sa serye na gaganap siya bilang si Gavin, a workaholic chef at husband ni Dominique, played by Max Collins.
Thankful si Rocco na tinanggap niya ang role na ibinigay sa kanya dahil tamang-tama ito sa kanya personally, marami siyang natutunan, since nagsisimula na nga sila ng wife niyang si Melissa Gohing na bumuo ng family.
Naiiba kasi ang story ng To Have And To Hold na magkakaroon ng malaking problema ang pagsasama nina Gavin at Dominique, sino ang magiging cheater sa mag-asawa? Paano papasok ang character na gagampanan ni Carla Abellana? Paano ito mari-resolve ng mag-asawa?
Sa direksyon ni Don Michael Perez, may special participation naman si Rafael Rosell at magsisimula sila sa Monday, September 27, 8:50PM sa GMA-7.
***
NATUTUWA ang mga netizens na nakikita ang mga Instagram stories na pinu-post ng Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga anak na sina Zia at Sixto.
Mukhang susundan nina Zia at Sixto, ang yapak ng mga parents nila. Kung si Zia ay nahihilig sa mga ginagawa ng ama bilang director-actor na kasama na sa Team Dantes tuwing magti-taping sa bahay nila ng spiels ng Tadhana, si Marian, si Sixto naman ay nahihilig tularan ang pagluluto ng ina. Mahusay kasing magluto si Marian.
Ang cute ni Sixto sa IG story na nakasuot pa ng baker’s hat at gumagawa sila ng pizza ni Marian. Siya ang naglagay ng toppings sa pizza dough at ang huling post ni Marian, si Sixto rin ang tumikim ng niluto nilang mag-ina.
Ini-enjoy ni Marian ang mga ginagawa niyang ganito dahil natututukan din niya ang mga anak sa mga ginagawa nila.
(NORA V. CALDERON)
-
Gobyerno, hindi iiwanan ang mga taong apektado ng Bulkang Kanlaon-PBBM
“NANDITO po ang inyong pamahalaan na handang tumulong sa inyo”. Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga mamamayan na apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon. “Kung gaano man katindi ang bangis ng bulkang ito, ganun din ang kalinga na aming ipapaabot,” ang bahagi ng mensahe ng Pangulo. […]
-
DOH: Pagluwag ng Metro Manila sa Alert Level 1 sa Disyembre, ‘posible’
Hindi malayong mailagay sa pinakamaluwag na “alert level system” ang buong Kamaynilaan basta’t masustena nito ang mga tagumpay nito sa laban sa COVID-19 hanggang Disyembre, pagbabahagi ng Department of Health (DOH). Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes, kaugnay ng patuloy na pag-igi ng COVID-19 situation sa National Capital Region. […]
-
Ads August 30, 2021