• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAXENE, pinagmalaki ang screenshot na reply ng idol na si JENNIFER ANISTON sa IG post

WINNER si Maxene Magalona nang makita namin ang comment ng Hollywood actress at iniidolong si Jennifer Aniston sa naging Instagram post.

 

 

Malamang over the moon si Maxene pagkabasa pa lang siguro ang reply sa IG post niya ni Jennifer.

 

 

Nag-post kasi si Maxene ng picture at video ng “Lolavie” a vegan product for hair na sey niya, chance na maging katulad ng buhok ng idolo niya way back “Friends” series pa.

 

 

Nag-thank you ito kay Jennifer sa pagsasabing, “Thank you so much for making our hair dreams come true, Rachel! Now we can all have sweet hair just like America’s sweetheart @jenniferaniston.”

 

 

At isang simpleng heart emoji ang reply ng Hollywood actress kay Maxene.  Aba, sureball naman na kahit sino sigurong fan na mapansin ang post ng idolo, and a Hollywood Superstar like Jennifer pa, ‘di ba?

 

 

Kaya naman ang Maxene, nag-IG post muli ng screenshot ng mismong reply ng idol sa kanya.  At ang caption ay 11:11 na pinaniniwalaang may dalang suwerte kapag natapatan mong makita.

 

 

Kaya biro ng kaibigan niyang actress na si Angelica Panganiban kay Maxene, “Hanapan kita ng frame dito.”

 

 

***

 

BAGO ang Kapuso actor na si Rocco Nacino, ang character na ginagampanan niya sa bagong primetime series ng GMA-7, ang To Have and To Hold ay originally, si Derek Ramsay sana ang gaganap.

 

 

Pero nag-back-out o hindi natuloy si Derek at mula naman sa dapat ibang serye na gagawin ni Rocco, biglang sa kanya inalok ang role.  Naka-ready na naman daw siya that time mag-lock-in taping at ‘di na naging issue kay Rocco kahit si Derek sana ang unang napili.

 

 

Sabi niya, “Ready na ‘kong mag-lock-in taping. Prior to doing this, I was able to guest for Owe My Love and sila, naka-lock-in sila for more than two months. So ready na ako.

 

 

“I was supposed to do another show, pero nag-usap kami ng manager ko and when this was offered to me, they saw the challenges of the character and I was drawn to it talaga.”

 

 

Natuwa naman daw si Rocco sa naging desisyon na tinanggap niya ang To Have and To Hold kahit sabihin pa na hindi siya ang original choice.

 

 

     “Marami akong natutunan sa character, sa story na ito at nai-apply ko sa sarili ko. I’m glad I went this way and I’m really, really glad I got to work these actors and they we’re able to give me emotion na na-surprised ako during my scenes.”

 

 

Sabi pa ni Rocco, meron din daw siyang mga pinagdaanan during lock-in taping, “Meron din akong pinagdaanan during taping and I’m so glad na niyakap ako ng pamilyang ‘to.”

 

 

Sa Lunes, September 27 na ang pilot ng To Have and To Hold.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Trillanes, nagsampa ng plunder complaint laban kay Ex-PRRD at Sen. Bong Go

    TULUYAN nang naghain ng reklamong plunder si dating Senator Antonio Trillanes IV sa DOJ laban kay dating President Rodrigo Duterte at Senator Bong Go kaninang hapon.       Ang reklamong ito ay may kinalaman sa mga proyekto ng nakalipas na administrasyon.       “All the elements of plunder are clearly present in this […]

  • NAVOTAS NAKAPAGTALA NG PINAKAMABABANG ACTIVE COVID CASES NGAYONG TAON

    NAKAPAGTALA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng pinakamababang active COVID-19 cases ngayong taon.     Tatlo na lamang ang natitirang COVID patients ng Navotas kasunod ng limang araw na magkakasunod na zero daily case reports.     Nagpasalamat naman si Congressman-elect Mayor Toby Tiangco at Congressman Mayor-elect John Rey Tiangco sa mga Navoteños para sa […]

  • Magkamukha raw kaya papasa na magkapatid: YASMIEN, fan na fan na ni BEA bago pa mag-artista

    MASAYA ang isinagawang red-carpet screening and mediacon para sa upcoming Philippine adaptation ng Korean-drama na “Start-Up PH” sa Robinsons Galleria Cinema 2, dahil maraming kuwento ang mga bumubuo ng cast na most of them, ngayon lamang nagkatrabaho.       Si Yasmien Kurdi ang unang nagkuwento ng tungkol sa pagiging fan daw niya ni Bea Alonzo […]