• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Active COVID-19 cases sa NCR nakikitang papalo sa 58-K sa katapusan ng Setyembre

Binago ng Department of Health (DOH) ang kanilang COVID-19 case projections para sa National Capital Region (NCR).

 

 

Ayon kay Health Under­secretary Maria Rosario Vergeire, patuloy na kumakalat ang virus pero sa mas mabagal na rate.

 

 

Sa kanilang tantiya, maaring aabot ang COVID-19 active cases ng 58,117 pagsapit ng Setyembre 30 bago ito bababa sa 54,780 sa Oktubre 15 at 46,536 sa Oktubre 31.

 

 

Nakikita rin nila na sa Oktubre maitatala ang peak pagdating sa mga active cases o iyong mga pasyenteng nagpapagaling pa sa COVID-19.

 

 

Samantala, sinabi rin ng DOH na posibleng makapagtala ng 6,085 na bagong mga kaso ng COVID-19 pagsapit ng Setyembre 30.

 

 

Gayunman, nilinaw ni Vergeire na maari pa ring magbago ang mga projections na ito dahil nakabase lamang ang mga ito sa kanilang assumptions at mga pagbabago sa actual case trend.

Other News
  • Marcos admin naglaan ng 5-6% na gross domestic product para sa infrastructure development

    NAGLAAN ng malaking bahagi ang administrasyong Marcos kaugnay sa ekonomiya ng bansa para sa pagpapaunlad ng imprastraktura gayundin ang pagtaas ng badyet para sa agrikultura at pangangalaga sa kalusugan.       Sa pahayag na inilabas ng Office of the Press Secretary (OPS), binanggit ang nagawa ng Department of Budget and Management (DBM).     […]

  • Tinamaan din ang mag-inang Jennylyn at Dylan: DENNIS, idinaan sa pagkanta nang magka-COVID

    SA mga nagsasabing wala ng pandemic, na wala ng COVID-19 virus, mag-isip-isip kayo.     Matapos magkumpirma na tinamaan muli ng mapaminsalang virus si Pangulong Bongbong Marcos at Pasig City Mayor Vico Sotto, heto at sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado naman ang nagka-COVID.     Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay ikinanta ni […]

  • ‘Broken Blossoms’, umani ng parangal sa filmfest sa India: JERIC at THERESE, ginawaran ng Critics Choice Award bilang Best Actor at Best Actress

    UMANI ng parangal ang Philippine entry na Broken Blossoms sa Mokkho International Film Festival sa India.     Sa IG account ni Direk Louie Ignacio, pinost nito ang mga nakuhang awards ng dinirek niyang pelikula na bida sina Jeric Gonzales at Therese Malvar.     Caption pa niya: “Congratulations Team Broken Blooms. congrats Bentria Productions […]