2 WALANG FACE MASK KULONG SA P126K SHABU SA CALOOCAN
- Published on September 28, 2021
- by @peoplesbalita
BAGSAK sa kalaboso ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief Samuel Mina Jr, ang naarestong mga suspek na sina Richard Cenon alyas “Empoy”, 46, at Emar Villanueva, 44, pintor, kapwa ng 154, Bagong Barrio.
Ayon kay Col. Mina, nagsagawa ng verification ang mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station sa ilalim ng pamumuno ni PLT Julius Villafuerte hinggil sa natanggap na text message mula sa concern citizen na ipinadala sa NCRPO SMS hotline “Isumbong mo kay RD!”.
Pagdating sa Consejala St., Brgy. 154, Bagong Barrio dakong alas-12:20 ng madaling araw ay nakita ng mga pulis ang dalawang nakatayong lalaki na walang suot na face mask.
Nang lapitan ng mga pulis upang alamin ang kanilang pagkakilanlan para isyuhan ng Ordinance Violation Reciept (OVR) ay tumakbo ang mga suspek kaya’t hinabol sila ng mga arresting officers hanggang sa makorner at maaresto.
Nang kapkapan, nakuha sa mga suspek ang 6 na sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng tinatayang 18.66 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P126,888.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art. 151 of RPC at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Maradona, nasa ‘excellent’ condition – doctor
NASA ‘excellent’ condition na si dating football star Diego Maradona matapos na ito ay operahan. Tinanggal kasi ng mga doctor ang blood clot sa kaniyang utak nitong nakaraang mga araw. Ayon sa kaniyang doktor na si Leopoldo Luque, na gumaganda na ang kalagayan nito. Ipinagpipilitan pa niyang umalis na sa Olivos clinic sa […]
-
P20 milyong shabu nasamsam ng PNP, PDEA
UMISKOR ang pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang maaresto ang dalawang big-time drug traffickers kung saan nasamsam sa kanila ang nasa tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P20 milyon sa isinagawang drugs operation sa Quezon City, kamakalawa. Kinilala ni PNP Chief P/Gen. […]
-
POC pinaghahandaan na ang SEA Games sa Thailand
PINAGHAHANDAAN na ng Philippines Olympic Committee (POC) ang ilang mga international sporting events na lalahukan ng mga atleta ng bansa. Ayon kay POC President Abraham “Bambol” Tolentino, na ngayon pa lamang ay pinagpaplanuhan nila ang gaganaping Southeast Asian Games na gaganpin sa Bangkok, Thailand sa susunod na taon. Aapela sila sa organizers ng […]