• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vaccine czar Carlito Galvez jr, nagpakita ng pruweba na hindi kulelat ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo kung pagbabakuna ang pag-uusapan

NAGPAKITA ng katibayan si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magpapatunay na hindi nahuhuli o kulelat ang Pilipinas sa pagtuturok ng bakuna.

 

Ang hakbang ay ginawa ni Galvez sa gitna ng puna na mabagal daw ang pamahalaan sa vaccination efforts nito.

 

Sa presentasyong inilatag ni Galvez sa Pangulo, sinabi nitong sa 2 daan at limang mga bansa ay nasa ika 21 ang ranking ng bansa sa usapin ng pagbabakuna.

 

Ani Galvez, nasa top 3 ang Pilipinas sa ASEAN habang sa 47 Asian countries dagdag ng Kalihim ay nasa number 11 ang Pilipinas na kasingkahulugan aniya na nasa upper 20 % ang bansa.

 

“Sir, marami pong nagsasabi na mabagal po tayo na magbakuna. Iyon nga minsan nga po nag-recommend po ‘yung mga iba na nakikita na masyadong mabagal daw ‘yung ating pagbabakuna. Kung makikita po natin tayo po is number 21st out of 205 countries,” ayon kay Galvez.

 

“Ito po nasa ano po tayo, 10 percent po na nasa upper 10 — 10 percent po tayo ng mga bak — mga countries sa pagbabakuna. And then number 11 po tayo out of 47 Asian countries, meaning nasa upper 20 percent po tayo — 23 percent ah sa 11, 12 — sa 47, and then also, top 3 po tayo sa ASEAN,” dagdag na pahayag nito.

 

Pinasalamatan naman ni Galvez dito ang LGUs at private sectors gayundin ang national government na aniyay nagtutulungan sa pagbabakuna at maabot na ang tagumpay sa vaccination campaign ng pamahalaan. (Daris Jose)

Other News
  • NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Filipino na maglaan ng oras para magnilay-nilay at kumonekta sa pamilya at mahal sa buhay ngayong panahon ng Pasko.

    Ang panawagan ng Pangulo ay matapos pangunahan ang  tradisyonal na  Christmas tree lighting ceremony at awarding sa mga nanalo sa “Isang Bituin, Isang Mithiin”  nationwide parol -making contest sa Palasyo ng Malakanyang.  “We have gained the reputation around the world for celebrating Christmas with more fervor than most other countries, and I think that that […]

  • Malakanyang, hinikayat ang Kongreso na gumawa ng national quarantine law

    NANANALIG ang Malakanyang na gagawa ng hakbang ang Kongreso para gumawa ng batas na may kinalaman sa pagbalangkas ng National Quarantine Law.   Layon nito na magkaroon ng malinaw na batas lalo na sa kung anong kaparusahan ang dapat ipataw laban sa mga lalabag sa ipinatutupad na health at quarantine protocol.   Sinabi ni Presidential […]

  • ‘Hulihin na’: Apollo Quiboloy ipinaaaresto ng Senate committee

    INIREKOMENDA na ng Senate committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na ipaaresto ang religious leader na si Apollo Quiboloy dahil sa patuloy na pag-isnab sa mga pagdinig kaugnay ng reklamong pang-aabuso sa miyebro.     Ito ang binasa ni committee chair Sen. Risa Hontiveros sa kanyang opening statement ngayong Martes sa pag-asang […]