4 NA NAWAWALANG MANGINGISDA, NATAGPUAN NA
- Published on September 28, 2021
- by @peoplesbalita
APAT sa siyam na mangingisdang nawawala ang natagpuan na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) search and rescue/ retrieval operations.
Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, kinilala ang natagpuan mga bangkay ng mga mangingisda ng FB St .Peter The Fisherman II ay nakilalang sina Sonar Operator Norberto Parlotzo ng Bantayan Island, Cebu; Piscador Rommel Engle ng Cadiz City, Negros Occidental; Piscador Julit Salvo ng Don Salvador Benedicto, Negros Occidental at isang hindi pa nakilalang mangingisda.
Magpapatuloy pa rin ang SAR operations sa iba pang nawawalang mangingisda kabilang sina Boast Captain Frankie Chavez (Toboso, Negros Occidental); Steersman Renante Forsuelo (Cadiz City, Negros Occidental); Chief Engineer Herminio Ronamo (Estancia, Iloilo); Cook Julian Dungog (Cadiz City, Negros Occidental) at Third Engineer Manuel Auditor (Cadiz City, Negros Occidental)
September 24 nang lumubog ang fishing vessel sa karagatan sakop sa pagitan ng Tanguingui Island sa Northern Cebu at Gigantes Island sa Iloilo. GENE ADSUARA
-
Kasama sa mga nangunguna sa fan votes: MICHELLE, dapat suportahan para manatili sa Top 10 ng ‘Miss Universe’
ANG pambato natin na si Michelle Dee ay isa na sa mga frontrunners sa nalalapit na 72nd Miss Universe pageant Dahil pasok ang 28-year-old Kapuso actress sa Top 10 leading candidates na mula partial fan votes, base ito sa inilabas ng Miss Universe Organization sa kanilang facebook account last Oct. 13. […]
-
Magalong sinopla si Abalos sa P6.7 bilyong shabu ‘cover-up’
TILA kinontra ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang alegasyon ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na may “cover-up” o tinangkang pagtakpan ang P6.7 billion drug haul sa Manila noong 2022. Inihayag ito ni Magalong kasunod ng iprinisinta ni Abalos na CCTV footage kung saan makikita umano na dalawang opisyal at […]
-
Mahigit 1-K na pulis ipapakalat ng Manila Police District sa Labor Day
NASA 1,100 na kapulisan ng Manila Police District (MPD) ang ipapakalat sa iba’t ibang bahagi ng lungsod sa pagdiriwang ng araw ng manggagawa o Labor Day sa Mayo 1. Inaasahan kasi ng MPD na magsasagawa ang iba’t ibang progresibong grupo ng kilos protesta sa nasabing araw. Ilan sa mga lugar na […]