• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS NAGDAGDAG NG SKILLED WORKERS

MULING nagdagdag ng bagong batch ng skilled workers ang Navotas City kasunod ng virtual graduation ng 138 Navoteños mula sa Navotas Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.

 

 

Sa NAVOTAAS Institute Annex 1, 46 ang nakakumpleto ng Japanese Language at Culture habang 11 nakatapos ng Basic Korean Language at Culture.

 

 

May lima ding nakapagtapos sa Beauty Care NC II; 4, Hairdressing NC II; 10, Dressmaking NC II; 7, Tailoring NC II; at 12, Bread and Pastry Production NC II.

 

 

Samantala, sa NAVOTAAS Institute Annex 2, 15 trainees ang nakakumpleto at nakatanggap ng national certification (NC) II para sa Housekeeping, at 28 nakapagtapos ng Basic Visual Graphics and Design.

 

 

Binati ni Mayor Toby Tiangco ang nasipagtapos at pinuri sila dahil sa paggamit ng kanilang oras sa pagsasanay at makakuha ng bagong kasanayan.

 

 

Aniya, maaaring magsimula ang mga nagsipagtapos ng negosyo o dalawin ang  NavotaAs Hanapbuhay Center para sa hanapbuhay na puwede na nilang pasukan.

 

 

Habang sinabi naman ni Cong. John Rey Tiangco, na ang lungsod ay nagtatag ng training centers upang bigyan ng pagkakataon ang mga Navoteño na matuto ng mga bagong pamamaraan at iba’t-ibang uri ng skills na makatutulong sa kanilang paghahanapbuhay at pamumuhay.

 

 

Ang Navotas ay may apat na training centers na bukas para sa mga Navoteño at hindi Navoteño trainees habang ang mga residente ay maaaring mag-aral ng libre sa nabanggit na training institute at ang mga hindi naman residente ng lungsod ay sasailalim sa assessment exams ng librehttp://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2020/10/navotas_seal.png depende sa kursong kukunin nito. (Richard Mesa)

Other News
  • Walang Gutom Kitchen, naghahanap ng volunteers at donasyon – DSWD

    NAGHAHANAP ang newly-opened Walang Gutom Kitchen food bank ng food donations mula sa restaurants at fast food chains at maging ng mga volunteers.     Sa katunayan, sa video message na naka-post sa kanilang social media pages, nananawagan si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa mga interesadong donors at volunteers […]

  • Comelec, hiniling kay Duterte na ideklarang special non-working holiday ang May 9

    HINILING ng Commission on Elections (Comelec) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang special non-working holiday ang mismong araw ng eleksyon na gaganapin sa Mayo 9.     Ito ay upang matiyak na lahat ng mga rehistradong botante sa bansa ay makakalahok sa pambansa at lokal na halalan ngayong taon.     Sinabi ni Comelec Chairman […]

  • Col. Umipig bagong hepe ng Valenzuela City Police

    MALUGOD na tinanggap ng Valenzuela City ang bagong upong hepe ng pulisya ng lungsod na si P/Col. Allan B Umipig sa isinagawang turnover ceremony na ginanap sa Valenzuela City Police Station (VCPS) Headquarters noong May 9, 2024.     Si Col. Umipig ay itinalaga bilang bagong officer-in-charge ng Valenzuela City Police, kapalit ni out-going Chief […]