DoH, ia-anunsyo ang alert level sa NCR sa Oktubre 1
- Published on September 29, 2021
- by @peoplesbalita
ANG Department of Health (DOH) ang maga-anunsyo sa Oktubre 1 kung mananatili o babaguhin ang COVID-19 alert level sa National Capital Region (NCR).
Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman na sila ang magde-desisyon kung pananatilihin ang NCR sa ilalim ng Alert Level 4 o ibaba ang classification nito.
Ang NCR ay kasalukuyang nasa moderate risk para sa COVID-19.
Base sa ginawang monitoring ng DoH, ang mga bagong kaso sa rehiyon ay bumaba ng 13% sa nakalipas na dalawang linggo subalit ang average daily attack rate (33.98 kaso kada 100,000 populasyon) at ICU utilization (76.22%) ay nananatili naman sa high risk.
“Kung ito pong mga numerong ito ng NCR ang ating pagbabasehan, tayo po ay posibleng manatili pa sa Alert Level 4. Subalit ang mga metrics at ating mga numero ay tuloy-tuloy po nating pag-aaralan,” ayon kay De Guzman.
“We need to look at not one or two metrics but several for us to have a better picture and understanding of the COVID-19 situation — cases and fatality data, healthcare capacity, PDITR (Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate) indicators, and vaccination coverage.” dagdag na pahayag ni De Guzman.
Nito lamang nakaraang linggo, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos na umaasa siya na ang NCR ay ilalagay sa ilalim ng pandemic alert level 3 sa Oktubre.
Ang “growth and reproduction rates” ng COVID-19 cases sa Kalakhang Maynila ay bumababa na.
Ang Kalakhang Maynila ay inilagay sa ilalim ng Alert Level 4 simula noong Setyembre 16. Ang pilot implementation ay tatakbo ng hanggang Seyembre 30.
Base sa bagong guidelines ng pamahalaan, ang mga lugar sa ialim ng Alert Level 4 — itnuturing na “second highest alert level” sa bagong scheme — ay iyong mayroong COVID-19 case counts na mataas o tumataas habang ang total beds at ICU beds ay nasa high utilization rate.
Sa ilalim ng Alert Level 4, ang outdoor o al fresco dine-in services sa restaurants at eateries ay maaaring mag- operate sa maximum na 30% venue/seating capacity maging anuman ang vaccination status. Ang Indoor dine-in services ay papayagan sa limitadong 10% venue/seating capacity subalit magsisilbi lamang sa mga indibiduwal na fully vaccinated laban sa COVID-19.
Ang mga personal care services na limitado sa barbershops, hair spas, nail spas, at beauty salons ay papayagan sa maximum na 30% venue/seating capacity kung ang serbisyo ay ginawa sa outdoors maging anuman ang vaccination status. (Daris Jose)
-
Sa pagkamatay ni JoMa Sison: Marks end of an era, hopefully ends insurgencies
SINABI ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagkamatay ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison ay tanda ng “end of an era” na inaasahan niya na “end of insurgencies in the Philippines.” Sa isang kalatas, nagpaabot ng pakikidalamhati si Duterte sa pamilya Sison, ipinagdarasal niya ang kapayapaan […]
-
Pinsala sa agrikultura dahil kay Goring, umakyat sa P504.4M
UMAKYAT na sa mahigit kalahating milyong piso ang pinsala at pagkalugi ng agriculture sector kasunod ng matinding pananalasa ng bagyong Goring. Base sa pinakabagong bulletin na ipinalabas ng Department of Agriculture (DA) Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, ang pinsala sa farm sector dahil sa bagyo ay umabot sa halagang P504.4 million. […]
-
Mall hours adjustment ipatutupad sa November 18 – December 25 – MMDA
SINABI ni MMDA Chairman Don Artes na iurong sa alas 11:00 ng umaga ang pagbubukas ng mall sa halip na normal operating hours, habang depende na rin sa pamunuan ng mga mall kung hanggang anong oras sila magsasara. Ani Artes, mas mabuting ma-extend ang oras ng pagsasara upang mabigyan ng pagkakataon ang publiko […]