• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Diaz buhos training lang sa Malaysia

WALA pa sa isipan ni national weightlifting star Hidilyn Diaz ang pag uwi sa Pilipinas.

 

Mas pokus siya na makapag- training upang paghandaan ang 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.

 

Inabot na ng anim na buwang stranded ang 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medalist sa Kuala Lumpur, Malaysia dahil sa coronavirus disease.

 

“Saka na lang muna iyong pag-uwi, importante kasi diyan ‘yung safety talaga,” bulalas ng sundalong national athlete soldier ng Philippine Air Force (PAF).

 

Pokus lang sa ensayo ang 29- anyos may taas na 4-11 at tubong Zamboanga City dahil determinadong sungkitin ang unang gold medal ng mga Pinoy sa 97 na taon sa quadrennial sportsfest.

 

“Continue pa rin ‘yung training, nandoon pa rin iyong desire kong i-represent ang country natin sa Olympics, nandoon pa rin iyong motivation ko,” panapos na wika ng weightlifter.

 

Isang Olympic qualifying tournament na lang ang kailangan salihan ni Diaz para opisyal na makakopo ng Tokyo Olympics slot. (REC)

Other News
  • Suporta ng US, Japan sa interes ng Pilipinas sa WPS isang tagumpay

    NANINIWALA si House Speaker Martin Romualdez na isang tagumpay ang pagbibigay ng katiyakan ng Estados Unidos at Japan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na suportado ng mga ito ang interes at soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).     Ito ay batay sa inilabas na Joint Vision Statement nina US President Joe Biden, […]

  • Jobless rate nitong Setyembre 2022, bumaba kasabay ng pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong may trabaho

    NAKAPAGTALA ng pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ang Philippine Statistics Authority (PSA) nitong buwan ng Setyembre, ngunit kasabay nito ay nagkaroon din ng pagbaba ang bilang ng mga indibidwal na mayroong trabaho sa bansa batay sa preliminary result ng kanilang isinagawang Labor Force Survey.     Sa ulat ni PSA chief at […]

  • FOR FANS BY FANS: LIFELONG “TEENAGE MUTANT NINJA TURTLES” FANS SETH ROGEN AND DIRECTOR JEFF ROWE TALK ABOUT THEIR VISION FOR “MUTANT MAYHEM”

    Teenage Mutant Ninja Turtles made a big impression on Seth Rogen at a very early age. “The animated series came out in 1987, when I was five. The first movie came out in 1990, when I was eight,” he says. “It was perfectly geared toward someone my age and I loved it. They were funny. They […]