• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JUDY ANN at RYAN, humabol para magpa-rehistro dahil gusto ng pagbabago; nanghihikayat ‘to unite and vote’

DAHIL na rin siguro sa pandemic at ang situwasyon na kinaharap ng mga Filipino sa bansa at sa nakikitang ginagawa lang ng gobyerno kung bakit tila mas marami ngayon, kahit sa mga artista ang tila “nagising” na.

 

 

Sunod-sunod ang mga artist ana nagpo-post ng kanilang pagpapa-rehistro sa Comelec. Akalain mo ‘yun na sa dami ng election na naganap, marami pala ang hindi pa talaga rehistrado at nae-exercise ang kanilang karapatang bumoto.

 

 

Katulad ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na humabol para magpa-rehistro.  Ayon sa Instagram post ni Juday, gusto raw nila ng pagbabago kaya nila ito ginawa.

 

 

      “Nakapag parehistro na kami! Yes! Gusto namin ng pagbabago… parehistro na po ang mga hindi pa nagreregister. May isang Linggo pa para makapagpaparehistro. Let’s all UNITE and VOTE!,” ang paghihikayat niya.

 

 

***

 

 

KAHIT na bagong kasal, dalawa o tatlong araw lang yata nagsama bilang mag-asawa sina Kris Bernal at ang mister niya na si Perry Choi.

 

 

Si Kris kasi ang napili na pumalit kay Jackie Rice para sa role nito sa bagong gagawing teleserye ng GMA-7 na Artikulo 247. 

 

 

Makakasama ni Kris dito sina Rhian Ramos, Benjamin Alves at Mark Herras. 

 

 

At kahit nga kakakasal lang at dapat siguro ay nasa honeymoon phase pa sila ng mister, maiiwan na ito ni Kris ng isang buwan.

 

 

Kaya hindi pa rin talaga sila magkakasama sa isang bahay bilang mag-asawa. Two days lang after ng wedding nila ay aalis na si Kris at diretso na sa lock-in taping.

 

 

Pagod na pagod na raw siya. Given naman dahil kahit may mga wedding organizer, iba pa rin ang pagod na magpakasal.

 

 

So, sey ni Kris sa kanyang Instagram stories, “Gusto kong umiyak sa pagod.  I’ll have a lock-in taping for a teleserye starting tomorrow and it will last for more than a month.

 

 

      “I just started packing but seryoso, pagod na pagod ako.”

 

 

At saka niya sinundan ng mga crying emojis.

 

 

Pero for sure, kahit sinasabi nitong pagod at wala pang time na ma-feel na siya ay misis na, tiyak na masaya ito na muling makagawa ng serye sa Kapuso network at knowing na may trabaho siya.

(ROSE GARCIA) 

Other News
  • Miyembro ng sindikato ng gun running arestado sa buy-bust sa Pasay

    HINDI na nakapalag ang isang sinasabing miyembro ng isang gun running syndicate nang arestuhin siya ng mga pulis sa parking lot ng Mall of Asia sa Pasay City.   Kinilala ang suspek na si Wilson Kho Bolante, 39 anyos at residente ng Garden Villas sa Sta. Rosa City, Laguna. Sa ulat, naaresto si Bolante sa […]

  • Jake Paul pinatumba si Woodley sa 6th round

    Pinatumba ni YouTube star Jake Paul si dating UFC champion Tyron Woodley sa ikaanim na round ng kanilang boxing match na ginanap sa Amalie Arena sa Tampa, Florida.     Sa unang limang round ay hindi gaanong naging mainit ang laban kaya nagalit ang mga fans.     Pagpasok ng ikaanim na round ay doon […]

  • Director Sam Raimi Reveals How Multiverse of Madness Will Change Doctor Strange

    DIRECTOR Sam Raimi teases how Doctor Strange in the Multiverse of Madness will change Benedict Cumberbatch’s hero.      Marvel Studios’ next film is just two weeks away from hitting theaters. Doctor Strange 2 is finally debuting after being delayed multiple times over the course of the coronavirus pandemic; there was once a time it was set to premiere in […]