• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Utang ng PH pumalo na sa record-high P11.6-T – BTr

Pumalo na sa record-high P11.642 trillion ang utang ng Pilipinas hanggang noong katapusan ng Agosto 2021, base sa datos na inilabas ng Bureau of Treasury (BTr).

 

 

Ayon sa ahensya, hanggang noong katapusan ng Agosto, ang outstanding debt ng pamahalaan ay tumaas ng 0.28 o P32.05 billion mula sa P11.61 trillion na naitala noon lamang katapusan ng Hulyo, 2021.

 

 

Ang year-on-year debt balance naman ay tumaas ng 21.1 percent mula sa P9.615 trillion hanggang noong katapusan ng Agosto ng nakalipas na taon.

 

 

Samantala, ang year-to-date total outstanding debt ay umakyat ng P1.847 trillion o katumbas ng 18.9 percent.

 

 

Sinabi ng BTr na ang paglaki ng utang ng pamahalaan ay dahil sa “domestic debt issuance” bilang bahagi ng financing ng pamahalaan.

 

 

Sa total debt stock, 29.4 percent ang nanggaling sa ibang mga bansa habang 70.6 percent naman ang inutang dito mismo sa loob ng Pilipinas.

Other News
  • Pamamahagi ng nabiling higit kalahating milyong antigen test kits, sisimulan na

    SISIMULAN na ng National Task Force on COVID-19 ang pagpapakalat ng anti- gen test sa iba’t ibang mga LGU at ospital.   Ito ang sinabi ni Deputy Chief Implementer at testing czar Secretary Vince Dizon sa harap ng mas pinaiigting pang testing efforts ng pamahalaan bilang pagtugon sa kontra COVID 19.   Importante ayon kay […]

  • Ads February 11, 2020

  • Toll Holiday sa Cavitex simula sa July 1

    ALINSUNOD sa ipinag-utos  ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos ay inaprub na ng Toll Regulatory Board ang resolusyon ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na magkaroon ng 30 day free passage sa mga tollways  ng Cavitex. Ibig sabihin mula July 1 hanggang July 30 2024 ay nakataas ang mga barriers sa mga toll booths kaya hindi mababawasan […]