P1.28 BILYON HALAGA NG SHABU NASAMSAM SA BUY BUST SA CAVITE
- Published on October 2, 2021
- by @peoplesbalita
UMABOT sa P1.28 bilyon halaga ng shabu ang nasamsam sa pagkakaaresto mg tatlong hinihinalang tulak sa isinagawang buy bust operation Biyernes ng umaga.
Kinilala ang mga naaresto na sina Jorlan San Jose , 26, may-asawa; Joseph Maurin, 38 at Joan Lumanog , 27, dalaga at pawang residente ng Dominorig, Talatag Bukidnon
Sa ulat, dakong alas-6:40 kahapon ng umaga nang nagsagawa ng buy bust operation sa Block 16 Lot 9 Manager Drive Executive1, Brgy Molino 3 Bacoor City, Cavite ng pinagsamang puwersa ng PDEA Cavite, PDEA IIS, PDEA SES, AFP Task Force Noah, AFP SIF, NICA, BOC, PNP-DEG NCR, PNP-DEG SOU 4, Cavite Police Provincial Office at Bacoor MPS kung saan naaresto ang mga suspek.
Nakuha sa kanilang pag-iingat ang tinatayang 149 kilograms ng hinihinalang shabu na may street value na P1.0281 bilyon,buy bust miney na P1,000 at Nokua cellphone.
Kasong paglabag sa Sec 5 at 11, Art. II, RA 9165 ang isasampang kaso sa mga suspek. GENE ADSUARA
-
Ads July 31, 2021
-
15-anyos na estudyante, patay sa suntok ng SK Kagawad
PATAY ang isang 15 anyos na estudyante nang suntukin ng Sangguniang Kabataan Kagawad nitong Linggo ng gabi sa Punta, Sta.Ana, Maynila. Idineklarang dead on arrival sa Sta.Ana Hospital ang biktimang si Krisnard Alexus Garcia y Dela Cruz mula Brgy.Hulo,Mandaluyong City. Hawak naman ng pulisya ang suspek na sina Irinro Cardamio III alyas Jimeel, […]
-
4 barangay sa Irosin, Sorsogon, apektado na ng ashfall mula sa bulkang Bulusan
NASA apat na barangay na raw ang apektado sa Irosin, Sorsogon dahil sa ashfall mula sa bulkang Bulusan matapos itong mag-alburuto dakong alas-10:37 Linggo ng umaga. Ayon sa municipal disaster risk reduction and management office (MDRRMO) officer na si Fritzie Michelena kabilang sa mga apektadong barangay ang Cogon, Bolos, Gulang-Gulang at Tinampo. […]