Locsin, ipinag-utos na ang paghahain ng diplomatic protests laban sa patuloy na panghihimasok ng China sa EEZ ng Pinas
- Published on October 2, 2021
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., araw ng Huwebes, Setyembre 30, sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang paghahain ng diplomatic protests laban sa China dahil sa patuloy na presensiya nito at ng iba pang mga aktibidad sa West Philippine Sea.
Ang kautusan na ito ni Locsin ay isinapubliko sa pamamagitan ng serye ng kanyang tweets, isang araw matapos na sabihin ng National Security Council (NSC) sa Mababang Kapulungan sa isinagawang plenary deliberations hinggil sa 2022 budget na mayroong mahigit sa daang Chinese vessels ang paikot-ikot ngayon sa West Philippine Sea.
Sinabi naman ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, na nagtanggol sa budget ng ahensiya, na ang mga barko ay lumitaw na Chinese militia, na mayroong 30 hanggang 60 metro ang haba.
Ayon pa sa mambabatas, ang Chinese vessels ay kumikilos mula sa isang spot patungo sa ibang spot at parang nangingisda.
Ang Chinese militia vessels na nagsisilbi bilang civilian vessels ay bahagi ng gray zone operations ng Beijing.
Si Locsin, kasalukuyan ngayong nasa Estados Unidos ay hiniling sa DFA sa pamamagitan ng Twitter na mag-protesta sa “continued presence” ng Chinese fishing vessels sa Iroquois Reef, okupadong Philippine feature sa West Philippine Sea.
Inatasan din nito ang DFA na i-protesta ang “China’s incessant and unlawful restriction of Filipino fishermen from conducting legitimate fishing activities” sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal).
Iinag-utos din niya sa DFA na magsagawa ng protesta sa Chinese radio challenges na “unlawfully issued against Philippine maritime patrols.”
Ang Western Command (Wescom) sa Palawan ay nagpahayag na noong nakaraang buwan, ang Philippine aircraft ay nakatanggap ng Chinese radio warnings ng 218 beses habang ang Wescom vessels ay nagsasagawa ng pagpa-patrol sa West Philippine Sea.
Sinindak din ng China ang Philippine military aircraft na nagsasagawa ng security patrols ng limang beses sa West Philippine Sea noong Hunyo.
Umigting naman ang matinding tensyon sa pagitan ng Maynila at Beijing noong unang bahagi ng taon dahil sa presensiya ng daan-daang Chinese militia vessels sa Julian Felipe (Whitsun) Reef sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. (Daris Jose)
-
Galvez, suportado ang 2nd booster shot para sa ibang sektor
UMAPELA si National Task Force (NTF) against Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. sa Health Technology Assessment Council (HTAC) na bilisan ang pag-apruba sa second booster shots na ibibigay sa mas maraming vulnerable sectors at isama ang iba pang priority sectors sa kanilang rekomendasyon. Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo […]
-
ETRAVEL REGISTRATION, LIBRE
BINIGYAN diin ni Bureau of immigration Commissioner (BI) Commissioner Norman Tansingco na ang pagpaparehistro ng eTravel ay libre at binabalaan nito ang publiko laban sa mga scammers. “The eTravel registration process is absolutely free of charge. We, therefore, advise the traveling public to register only in the government’s official website at https://etravel.gov.ph.,” ayon […]
-
JOHN LLOYD, ipinagtanggol ni DEREK dahil mabuti itong ama kay ELIAS; nagkaroon ng dalawang birthday celebration
NAGKAROON ng dalawang birthday celebration ang anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Elias sa pamamagitan ng Spiderman-Themed Parties na hinanda nina John Lloyd, Ellen Adarna at Derek Ramsay. Naunang nag-celebrate ng 3rd birthday ni Elias kasama ang kanyang daddy JLC at may simpleng caption ang IG post niya ng, […]