• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tambalang Sara-Go sa Eleksyon 2022, binuking ni PDu30

IBINUKING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang napipintong pagtatambal nina Davao City Mayor Sara Duterte at Senator Christopher “Bong” Go para sa dalawang “top government posts” sa May 9, 2022 elections.

 

Kinumpirma mismo ni Pangulong Duterte sa isang ambush interview sa labas ng Sofitel Hotel sa Pasay City, araw ng Sabado ang bagay na ito matapos na maghain ng kanyang Certificate of Candidacy for Vice President si Go.

 

“Sara-Go na ‘yan ..in the 2022 national elections,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Umatras ang Pangulo sa nominasyon bilang Vice-Presidential candidate ng ruling party, Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), at nagpahayag nang kahandaan na magretiro mula sa public service kapag nagtapos na ang kanyang termino sa Hunyo 2022.

 

Matatandaang, unang pinroklama ng PDP-Laban si Go bilang top candidate ng partido subalit tinanggihan nito.

 

Ang pinakabagong pahayag naman ng Pangulo ay sa kabila nang makailang ulit na pahayag naman ni Mayor Sara na hindi siya tatakbo sa pagka-pangulo at ang paghahain ni Mayor Sara ng kanyang COC, araw ng Sabado para sa pangatlo at huling termino bilang Alkalde ng Davo.

 

At nang tanungin ang Pangulo kung pinal na ang presidential bid ng kanyang anak , ang sagot ng Chief Executive ay “yes”.

 

“Ah, actually, hindi kami nag-uusap ng politika  ever since. Ever since, we never talked about politics. I would say that I did that ..withdrawal of my vice-presidential bid.. for the better,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

Sa kabilang dako, wala namang ideya si Pangulong Duterte kung kailan mag-aanunsyo ang kanyang anak ukol sa kanyang presidential bid.

 

Magugunitang, si Pangulong Duterte ay substitute bet noong 2016 polls, kapalit ni Martin Diño.

 

Si Diño, chair ng Volunteers Against Crime and Corruption noong panahon na iyon ay iniatras ang kanyang COC matapos mainsulto sa  Commission on Elections na ideklara siyang nuisance bet.

 

Ang paghahain ng COC ay magtatapos sa Oktubre 8 habang ang political parties ay mayroon lamang ng hanggang Nobyembre 15 para palitan ang kanilang kandidato. (Daris Jose)

Other News
  • LIMA KATAO INARESTO SA ABORTION

    LIMANG katao ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pag-oopera sa isang abortion clinic sa Cebu City.     Kinilala ang mga naaresto ni NBI  OIC – Director Eric B. Distor na sina Joey Paulino Guirigay ; Francisca Abatayo Rebamonte; Gloria Dalogdog Gabuti; Meryteissie Pode Rural at Amparo Lumagbas […]

  • Bello kay Duterte: Ibaba na ang quarantine status, mga manggagawa hirap na

    Pinangangambahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang muling pagdami pa ang mga mawawalan ng trabaho dahil sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa ilang bahagi ng bansa.     Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na noong unang linggo ng ECQ ay mahigit 8,300 manggagawa ang naapektuhan ang trabaho sa NCR […]

  • CHED: 126 unibersidad, nagpatupad ng academic break; 123 pa susunod na rin

    KABUUANG 126 unibersidad na sa bansa ang nagpatupad ng academic break simula nitong Ene­ro, kasunod nang panibagong surge ng COVID-19.     Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero de Vera III, may ilang unibersidad ang nagdeklara na ng academic break bago pa man itaas ang Alert Level 3 ng COVID-19 sa ilang […]