• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

40-day prayer to save Earth, pangungunahan ng Living Laudato Si Philippines

Hinihikayat ng Living Laudato Si’ Philippines ang mga mananampalataya at mga kapanalig na makibahagi sa ilulunsad na 40-day prayer campaign bilang paghahanda sa paglalakbay tungo sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan. Magsisimula ang prayer campaign sa Oktubre 04, kasabay ng kapistahan ng patron ng kalikasan na si San Francisco ng Assisi at magtatagal hanggang sa Nobyembre 14, kasabay naman ng paggunita sa World Day of Prayer for the Poor.

 

 

“We encourage our Kapanaligs to join us in daily prayer to prepare this journey for our Common Home,” paanyaya ni LLS Philippines Executive Director Rodne Galicha sa panayam ng Radio Veritas. Layunin ng apatnapung araw na pananalangin na suportahan ang pitong sektor ng Laudato Si’ Action Platform (LSAP) na kinabibilangan ng sektor ng mga pamilya, mga parokya at mga diyosesis, paaralan, healthcare communities, ekonomiya, iba’t ibang organisasyon at grupo at ang mga nasa religious orders.

 

 

Ito ang sama-samang pagtutulungan ng mga komunidad na kabilang sa LSAP para sa pagiging mga mabuting katiwala ng ating inang kalikasan upang matagumpay namang maisakatuparan ang Seven Laudato Si’ Goals: – Response to the cry of the earth; – Response to the cry of the poor; – Ecological economics; – Adoption of simple lifestyles; – Ecological education; – Ecological spirituality; and – Community engagement and participatory action “From our families, parishes and dioceses, schools, healthcare community, economic sector, organizations and groups, and religious orders and missions, as stewards we shall act together to achieve the goals of Laudato Si’.

 

 

Let us thank God for the gift of creation we ought to care, restore and regenerate,” ayon kay Galicha. Dito’y mayroon ding nakalaang mga araw ng panalangin sa bawat sektor ng LSAP na nag-uugnay sa Laudato Si’ Goals. *insert photo* Ang 40-day prayer campaign ay pangungunahan ng Vatican Dicastery for Promoting Integral Human Development katuwang naman ang LLS Philippines.

 

 

Magugunita sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco na hinikayat nito ang bawat mamamayan na simulan sa pagbabago ng lifestyle ang ecological conversion na kinakailangan ng mundo, at dito naman magmumula ang community conversion o pagkakaisa ng bawat komunidad para sa iisang adhikaing pangalagaan ang sangnilikha

Other News
  • Bilang ng Covid-19 infections noong nakaraang Agosto 2020, posibleng maulit ngayon

    SINABI ng Malakanyang na papalapit na ang bilang ng COVID-19 infections na naitala noong Agosto ng nakaraang taon.   Matatandaang noong Agosto 2020 ay pinakinggan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panawagan ng mga health workers para sa 2-linggong pagbabalik ng Metro Manila sa itinuturing na “second strictest lockdown level” dahil sa pagbaha ng mga […]

  • Vietnam SEA Games organizers todo kayod para matapos ang mga playing venues

    NATAPOS na ng Vietnam ang mga playing venues mahigit 40 araw sa pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games.     Dahil aniya sa epekto ng COVID-19 pandemic ay iniurong ang hosting na noon sana sa November 2021 ay ginawa na ito sa Mayo.     Ilan sa mga renovation na natapos na ay ang My […]

  • 5,000 COVID-19 vaccine doses para sa A4 minimum wage earners at OFWs sa Labor Day

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Martes, Abril 27 ang kahilingan ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa 5,000 doses ng COVID-19 vaccine na gagamitin sa idaraos na symbolic inoculation ceremony ng mga minimum wage workers at overseas Filipino workers na nasa ilalim ng Priority Group A4 sa Mayo 1, 2021 […]