• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Roque kokonsultahin si PDU30, pamilya ukol sa 2022 Senate bid

SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kakausapin na muna niya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bago magdesisyon kung maghahain o hindi ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagka-senador sa May 2022 elections.

 

“Magkakausap muna po kami ni Presidente and I continue to consult with my family members and my supporters as well as seeking spiritual guidance on this decision,” ayon kay Sec. Roque sa press briefing sa Angeles City, Pampanga.

 

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na nananatili niyang ine-explore ang kanyang mga opsyon subalit natutuwa na rin dahil inendorso siya bilang guest senatorial candidates para sa 2022 national elections ng ruling party Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

 

Noong nakaraang Hulyo, sinabi ni Sec. Roque na kailangan niyang sumailalim sa physical check-up bago gumawa ng kanyang pinal na desisyon ngunit sa kalaunan ay sinabi sa mga mamamahayag na maayos ang kanyang kalusugan.

 

Palaging sinasabi ni Sec. Roque na ang kanyang prayoridad sa ngayon ay magsilbi sa publiko bilang tagapagsalita ni Pangulong Duterte at para tiyakin na makapagbibigay ng “actual and accurate” information, lalo na sa gitna ng pandemiya.

 

Si Roque ay unang naging tagapagsalita ni Pangulong Duterte noong Oktubre 2017 hanggang sa siya ay magbitiw sa puwesto ng sumunod na taon para sa kanyang pagtakbo sa Senado noong 2019 sa kabila ng sinabi sa kanya ng Pangulo na hindi siya mananalo.

 

Tumakbo si Sec. Roque sa pagka-senador sa ilalim ng People’s Reform Party ng namayapang Senador Miriam Defensor-Santiago subalit sa kalaunan ay umatras sa kanyang Senate bid matapos na dumanas ng “unstable angina coronary disease”.

 

Ang paghahain ng COCs para sa lahat ng elective positions para sa nalalapit na eleksyon ay nakatakda mula Oktubre 1 hanggang 8 ngayong taon.

 

Bukod kay Sec. Roque, ang iba pang PDP-Laban’s guest senatorial candidates ay sina Public Works Secretary Mark Villar Presidential Anti-Corruption Commission chairperson Greco Belgica, at House Deputy Speaker Rodante Marcoleta.

 

Ang PDP-Laban’s official senatorial candidates naman ay kinabibilangan nina Labor Secretary Silvestre Bello III, Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Transport Secretary Arthur Tugade, at Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez.  (Daris Jose)

Other News
  • MARCH 1, DEADLINE SA MGA DAYUHAN NA MAGPA-FILE NG AR

    NAGPAALALA ang Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng mga dayuhan na nakarehistro  sa ahensiya na mayroon na lamang hanggang March 01 upang mag-file ng kanilang 2022 annual report (AR).     Sinabi ni  BI Commissioner Jaime Morente  na hindi  katulad noong nakaraang taon na nagbigay ang kagawaran ng extension, ngayong taon ay hindi na […]

  • Naghahanda na para sa ihu-host na variety/game show: RABIYA, inaming malaki ang paghanga sa kakayanan ni MICHELLE

    KAHIT na sunud-sunod ang hiwalayan sa showbiz, nananatili pa ring matibay ang relasyon ni Kiray Celis sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia.   Noong maging public na ang relasyon ng dalawa, nakatanggap ng bashing at hate comments si Kiray dahil hindi naman daw tatagal ang relasyon nila ni Stephan. Ginagamit lang daw siya […]

  • 3 patay, 1 kritikal sa pamamaril ng kapitbahay sa Caloocan

    NASAWI ang tatlong babae, kabilang ang 72-anyos na biyuda habang nasa kritikal naman na kalagayan ang asawa ng isa sa namatay matapos pagbabarilin ng kanilang kapitbahay sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi.     Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang mga biktimang si Lourma Orbe, 72, at kanyang manugang na […]