• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CATRIONA, sagana sa alaga ni SAM at ini-spoil din sa mga gifts; naniniwalang ‘she’s the one’

PARA raw kay Sam Milby, ang girlfriend na si Catriona Gray na ang “the one” niya.

 

 

Sinabi ito ni Sam sa naging interview niya sa Mega Entertainment.

 

 

Sabi ni Sam, “I wouldn’t be with Cat if I don’t think she’s the one.  At my age also, why would I be wanting to stay and stick around if I don’t feel that we have a future?”

 

 

Talaga raw life partner na ang hinahanap niya.  And sey niya, “I really hope that she is. I mean, we have a lot that we’re working on and we’re both growing in our walk with God.

 

 

That’s one thing that that’s very important to the both of us is keeping God in the center of our individual lives and relationship.”

 

 

At nang tanungin ito kung anong klase siyang boyfriend, sinabi niya na naipapakita raw niya kay Cat ang pagmamahal niya through service.

 

 

      “I like taking care of her. I like to spoil her with gifts because that’s my love language.”

 

 

Kaya raw nang malaman niya na ang dream dog ng girlfriend ay Cavalier King Charles Spaniel, noong Valentine’s Day ay ‘yon nga ang niregalo niya rito.

 

 

***

 

 

MAY nag-feature sa isang YouTube vlog ng net worth daw ng napangasawa ni Kris Bernal na si Perry Choi.

 

 

Sadyang workaholic lang talaga si Kris at takot na mawawalan na siya ng career o hindi na siya mabibigyan ng mga roles daw dahil may asawa na siya, pero mukhang nothing to worry ang actress.

 

 

Kung tama ang lumabas sa vlog, nasa 50 million daw ang net worth ng mister ni Kris.  Bukod pa ang family business nila na kunsaan, sila ang distributor ng mga high quality meats. At iba’t-ibang restaurants din daw.

 

 

Dahil din sa business na ito ni Perry kaya nga sila nagkakilala ni Kris. Nang mag-put-up si Kris ng kanyang ‘MeatKris’ business noon.

 

 

‘Yun lang, kahit nga lock-in taping agad si Kris dalawang araw lang pagkakasal, mukhang kailangan na rin nila na mabigyan ng apo sa tuhod ang lolo at lola ni Perry.

 

 

Sinasabi naman ni Kris na isa rin sa reason ang mga lolo at lola ng mister kaya gusto na rin nilang magpakasal. Hangga’t nakakasama pa nga naman nila ito at malalakas pa. (ROSE GARCIA)

Other News
  • PBBM, binati si Indian PM Modi sa pagkapanalo sa pangatlong termino

    NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Indian Prime Minister Narendra Modi para sa kanyang tagumpay na muling mahalal sa katatapos lamang na eleksyon doon.     Sa kanyang official X (Twitter) account, nagpahayag ng kumpiyansa si Pangulong Marcos ukol sa hinaharap ng bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at India kasunod […]

  • Buhay ‘gumanda’ para sa 33% ng Pinoy, mas mababa pa rin vs pre-pandemic — SWS

    MAS UMAYOS daw ang pamumuhay ng 33% ng Pilipino sa nakalipas na 12 buwan ayon sa pinakahuling pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS), ito sa kabila ng mas mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.     Ito ang ibinahagi ng survey firm nitong Martes. Nagmula aniya ito sa face-to-face interviews sa 1,500 katao […]

  • Sailing Champions Crowned at Seafront Residences’ First Oz Goose Regatta

    Seafront Residences, located in San Juan, Batangas, boasts ideal beach, wind, and sea conditions, perfect for sailors and sailing enthusiasts alike.   Sailing is a sport alive and well on Philippine shores. The shores of San Juan, Batangas burst with life as the first-ever Seafront Oz Goose Regatta kicked off the festivities at the annual […]