• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kontrabida ni Darna, ‘di kasama sa ni-reveal na cast: JULIA, bagay raw gumanap na Valentina at puwede rin sina HEAVEN at AJ

IPINAKILALA na ang cast ng Darna TV series na pagbibidahan ni Jane de Leon at ididirek ng master director na si Chito S. Rono.

 

 

Pero wala pang announcement ang production kung sino ang gaganap na Valentina, ang babaeng ahas na kontrabida ni Darna.

 

 

Bakit kaya wala pa silang napipiling artista for the role of Valentina, na isang importanteng role sa anumang kwento ng Darna?

 

 

Sa isang FB post ay nabasa namin ang comment na ang bagay raw na gumanap sa role ni Valentina ay si Julia Barretto.

 

 

Eh bakit daw si Julia?

 

 

Kasi raw “inahas” daw ni Julia si Gerald Anderson kay Bea Alonzo kaya bagay siyang gumanap na Valentina, ang babaeng ahas.

 

 

Grabe naman ang mga netizens kay Julia.

 

 

Eh kung sakaling i-offer nga kay Julia ang iconic role ni Valentina, tatanggapin naman kaya niya?

 

 

May suggestions din ang netizens na si Heaven Peralejo or si AJ Raval ang kunin for the role of Valentina.

 

 

***

 

 

CUTE ang picture ni Nadine Samonte kung saan nakahiga siya sa pile of receipts ng nagastos niya sa kanyang pagbubuntis.

 

 

She posted sa kanyang IG account na she loves being pregnant kahit na mahirap dahil blessing ito ni Lord and that she will be forever grateful na binayayaan pa sila ng isang anak.

 

 

Inaasahan na ni Nadine na maraming magko-comment na mataba siya pero normal naman sa isang buntis ang tumataba. Wala raw pakialam si Nadine sa sasabihin ng mga tao, kahit pa negative, dahil ginagawa naman niya ito para sa kanyang baby.

 

 

Kahit daw na marami siyang pinagdadaanan sa kanyang pagbubuntis ay worth it naman daw ito.

 

 

Marami raw gustong magkaanak at isa siya sa pinagpala kaya iniingatan niya ang kanyang pagbubuntis and looking forward si Nadine na makita ang kanyang bunso.

 

 

***

 

 

SUNOD-SUNOD ang pag-file ng certificates of candidacy ng iba’t-ibang artista.

 

 

Nag-file na si former QC Mayor Herbert Bautista who is running for the Senate sa ilalim ng partido nina Senators Ping Lacson at Tito Sotto.

 

 

Aprub kami sa pagtakbo ni Bistek sa senado dahil may experience siya sa paggawa ng batas.

 

 

Tatakbo namang Konsehal ng QC si Aiko Melendez sa 5th District. Dati nang nagsilbi si Aiko bilang konsehal.

 

 

Dahil sa kanyang pagtakbo ay hindi muna magagawa ni Aiko ang Book 2 ng Prima Donnas sa GMA 7.

 

 

Tatakbo rin for elective posts sina Tom Rodriguez, Jinggoy Estrada, Ejay Falcon, at Richard Yap.

 

 

Nanumpa sina Robin Padilla at Rommel Padilla sa partido ni Pangulong Rodrigo Duterte. Tatakbo raw na Senador si Robin.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Alfred Molina to Reprise Role as Doc Ock in ‘Spider-Man: No Way Home’

    IT’S confirmed, Alfred Molina, who played Doctor Otto Octavius in the 2004 Spider-Man 2 film is returning for the new Spider-Man film!     In an interview with Variety, Molina shared that he will be back as the notorious villain in the upcoming MCU film, Spider-Man: No Way Home, which stars Tom Holland together with Zendaya and Jacob Batalon.   […]

  • Isko, Pacquiao, Bongbong pagpipilian ni Duterte

    Tatlong pulitiko ang pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumalit sa kanya sa 2022 presidential elections kung hindi tatakbo ang anak niyang si Davao Mayor Sara Duterte at Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.     Kabilang umano sa mga pagpipilian ng Pangulo  sina Sen. Manny Paquiao, Manila Mayor Isko Moreno at […]

  • Kinunan habang nagso-shooting sa Coron, Palawan… ANDREA, pasabog ang kaseksihan sa suot na one piece swimsuit

    ABA, pasabog ang sexy pictures na ipinost ni Andrea Torres sa kanyang Instagram account.          Napaka-sexy naman talaga ni Andrea sa kanyang one piece swimsuit pero halos kitang-kita naman ang kanyang flawless skin, pati ang kanyang buttocks or backside. At habang may hawak itong buco.     Obviously, sa shooting ng pelikula niyang […]