VP Robrero, tuloy na sa pagtakbo bilang pangulo
- Published on October 8, 2021
- by @peoplesbalita
Tuloy na ang pagtakbo ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo sa 2022 elections.
Sa kanyang talumpati sa Office of the Vice President (OVP) sa Quezon City, tinanggap nito ang hamon ng pagtakbo niya sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.
“Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan ng 2022,” wika ni VP Leni.
Una nang inindorso ng 1Sambayan si Robredo, ngunit hindi niya agad tinanggap dahil sa ilang konsiderasyon.
“Ngayon, sasabak tayo sa mas malaking laban. Panata ko ngayon: Ibubuhos ko nang buong-buo ang aking lakas, hindi lang hanggang sa halalan kundi hanggang sa mga natitirang araw ko, para ipaglaban ang Pilipinas ng ating mga pangarap,” dagdag pa ni Robredo. “Ibubuhos ko ang buong buo kong lakas. Hindi pwedeng pumikit na lang at umasang pagdilat natin nagbago na ang mundo. Kailangang piliin nating humakbang. Heto ako ngayon humahakbang.”
Matatandaang ika-30 ng Setyembre nang iendorso siya ng opposition coalition na 1Sambayan para maging kanilang pangulo.
Gayunpaman, wala pa silang inilalabas na katambal niya para sa pagkabise presidente at listahan ng senatoriables, bagay na idadaan pa ng 1Sambayan sa mga konsultasyon kasama si Robredo.
“Malinaw sa lahat ang hamon na kinakaharap natin. Nakita na nating lahat ang pagsisinungaling at panggigipit na kayang gawin ng iba para maabot ang mga layunin nila,” dagdag pa ng ikalawang pangulo.
“Nasa kanila ang pera, makinarya, isang buong istrukturang kayang magpalaganap ng anuymang kwentong kaya nilang palabasin. Pero hindi kayang tabungan ng kahit na anong ingay ang katotohanan.”
Dagdag pa ni Robredo, na kilalang kritiko ng madugong drug war at red-tagging sa mga bumabatikos sa administrasyon, “walang maaasahang pagbabago” kung parehong uri ng pamamahala ang magwawagi sa susunod na taon.
Pursigido si Robredo, asawa ng pumanaw na dating Interior Secretary Jesse Robredo, na ituloy ang pagkandidato kahit na nasa ikaanim na pwestosa pagkapangulo sa huling survey ng Pulse Asia nitong Setyembre.
“Tatalunin natin ang luma at bulok na klase ng pulitika. Ibabalik natin sa kamay ng karaniwang Pilipino ang kakayahang magdala ng pagbabago,” wika pa niya.
“Ramdam na ramdam ko ang tiwalang kaloob niyo sa akin. Sinasabi ko ngayon: buong-buo rin ang tiwala ko sa inyo.”
Inaasahang ngayong araw, Huwebes ay ihahain ng bise presidente ang kaniyang certificate of candidacy (CoC) sa Sofitel, Pasay City. (Daris Jose)
-
Bucor Director Bantag, suspendido
SUSPENDIDO si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag matapos ang pagkamatay ng umano’y middleman sa pamamaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid. Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin si Bantag sa kanilang naging miting, araw ng Huwebes. “I went […]
-
Vaccination drive ng pamahalaan, paiigtingin
NANGAKO ang Malakanyang na mas paiigtingin pa nila ang vaccination drive ng pamahalaan sa pagsisikap na makamit ang population protection sa gitna ng umiiral na coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic. Ang pangako na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na i-welcome ang resulta ng Social Weather Stations’ (SWS) na may petsang Hunyo […]
-
Alfred Molina to Reprise Role as Doc Ock in ‘Spider-Man: No Way Home’
IT’S confirmed, Alfred Molina, who played Doctor Otto Octavius in the 2004 Spider-Man 2 film is returning for the new Spider-Man film! In an interview with Variety, Molina shared that he will be back as the notorious villain in the upcoming MCU film, Spider-Man: No Way Home, which stars Tom Holland together with Zendaya and Jacob Batalon. […]