Retiradong sundalo, 1 pa, huli sa pagbebenta ng shabu sa Valenzuela
- Published on October 12, 2021
- by @peoplesbalita
DALAWANG hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang isang retiradong sundalo ang natimbog sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na sina Arnel Bataller alyas “Sundalo”, 46, retired Philippine Army at Joel Casuple alyas “Belok”, 42 ng Modesto St, Brgy. Mapulang Lupa.
Sa report ni SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong ala-1:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy bust operation sa inuupahang bahay ni Bataller sa No. 3072 Apartment Building, Unit C2, JB Juan St. Brgy. Ugong.
Nagpanggap na buyer si PCpl Maverick Jake Perez kung saan nagawa nitong makipagtransaksyon sa mga suspek ng P500 halaga ng droga.
Matapos matanggap ang pre-arranged signal mula kay PCpl Perez na hudyat na nakabili na siya ng droga ay agad lumapit ang back-up na sina PCpl Isagani Manait at PCpl Robbie Vasquez saka inaresto ang mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 12 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P81,600, buy-bust money, P750 cash, 2 cellphones at 2 coin purse.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)
-
POLO, magiging daddy na rin dahil buntis ang kanyang fiancee na si PAULYN
IDAGDAG pa si Polo Ravales sa magiging daddy sa taong ito dahil buntis na ang fiancee nitong si Paulyn Quiza. Sa kanyang Facebook account, pinost ng former teen star ang ultrasound ng kanilang baby. Masayang-masaya si Polo dahil natupad na ang matagal na nilang hinihiling ni Paulyn. “Thank You Lord for […]
-
Panawagan ni PDu30 sa mga senador, hayaan ang business sector na hawakan ang Malampaya deal
KINASTIGO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Senate resolution na nagrerekomenda na sampahan ng kaso si Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi at iba pang opisyal na may kinalaman sa di umano’y maanomalyang pag-apruba sa “sale of shares” sa Malampaya gas field. Sa isang kalatas, nagpahayag ng matinding pag-aalala si Pangulong Duterte […]
-
Ads February 16, 2021