• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 900-K pang Pfizer vaccines dumating sa Phl

Mahigit 900,000 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines mula sa COVAX Facility ang dumating sa Pilipinas kahapon.

 

 

Lumapag ang Emirates flight lulan ang 918,450 Pfizer jabs sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 pasado alas-4:00 ng hapon.

 

 

Marso 1 ng kasalukuyang taon nang sinimulan ng Pilipinas ang vaccination program nito kontra COVID-19.

 

 

Sa ngayon, mahigit 20 million Pilipino pa lang ang bakunado kontra sa naturang sakit.

 

 

Kabilang sa mga brands ng COVID-19 vaccines na natanggap ng Pilipinas ay gawa ng Pfizer, Moderna, Johnson and Johnson, Sinovac, AstraZeneca at Sputnik V.

Other News
  • Nag-viral sa social media ang sexy photos: ENCHONG, pinatunayan na puwede pang pagpantasyahan kahit 33 na

    MAS lalong sumarap sa paningin ng maraming beki si Enchong Dee dahil sa pag-viral sa social media ng bagong sexy photos niya para sa ini-endorse na underwear brand.       Sa gitna nga ng kasong kinahaharap ng aktor na cyber libel kunsaan demanda siya for P1 billion, hindi nagpabaya si Enchong sa kanyang katawan. […]

  • Tuwang-tuwa ang showbiz personalities na sumuporta kina BBM-SARA: TONI, babalikan na ang mga shows na tinanggap sa ibang network

    IDINAAN sa Instagram ni Kapuso actress Alice Dixson ang pagpapakilala sa eldest daughter niya, si Sassa, na kasama niya at ng bunso niyang si Baby Aura, nang mag-celebrate sila ng Mother’s Day last Sunday, May 8.     Caption ni Alice: “my lifetime to experience it twice’ first with Sassa, our panganay, nang dumating ang […]

  • Pagtarget sa 179 RSC, NKTI renovation pinuri ni Bong Go

    PINURI ni Senador Christopher “Bong” Go ang hangarin ng gobyerno na mamuhunan sa pangangalagang pangkalusugan tulad ng binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kinabibilangan ng pagtatayo ng 179 Regional Specialty Centers at pagsasaayos ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) Annex building sa Quezon City sa 2028.     Si Go ang pangunahing isponsor at […]