Irving, first time nakalaro na rin sa practice ng Brooklyn Nets
- Published on October 13, 2021
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ng Brooklyn Nets na nakabalik na rin ngayong araw sa training camp ng koponan ang kanilang superstar point guard na si Kyrie Irving.
Una rito,inabot na rin ng apat na practice sessions na hindi pa nakakasali si Irving at isang pre-season games dahil sa isyu pa rin ng hindi nito pagpapabakuna
Aminado naman ang kanilang head coach na si Steve Nash, aasahan na raw nila na hindi rin makakasama sa mga home games si Irving.
Sa ngayon hindi pa nila sigurado kung ilang beses at kelan ito hindi maglalaro.
Kinumpirma rin ni Nash na hindi pa rin makakalaro bukas si Irving sa Philadelphia kung saan makakaharap ng Nets ang 76ers bilang bahagi ng preseason game.
Sa Huwebes ang huling preseason ng Nets sa kanilang home game laban sa Minnesota Timberwolves.
Kung hindi pa rin makakapagbakuna si Irving hindi na rin ito makakapaglaro kahit isang beses sa isang exhibition game.
Sa October 19 na ang muling pagbubukas ng bagong NBA season.
-
Pinas, magdo-donate ng COVID-19 vaccines sa Southeast Asian nations –NTF
MAGDO-DONATE ang Pilipinas ng COVID-19 vaccines sa mga kalapit-bansa sa Southeast Asia sa gitna ng sobrang suplay sa bansa. Sa katunayan ani National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa ay walang problema sa suplay ang bansa. At gaya aniya ng sinabi ni NTF chief implementer Carlito Galvez […]
-
South Koreans na bibisita sa Pinas, lalagpasan ang bilang mula sa pre-pandemic na level na nasa 2 milyon
BILANG ng turistang South Koreans na bibisita sa Pilipinas sa susunod na taon, inaasahang lalagpasan ang bilang mula sa pre-pandemic na level na nasa 2 milyon. Naniniwala si Quezon City Rep. Marvin Rillo na maaapektuhan ang maiksing panahon ng pagkakadeklara ng martial law sa South Korea sa pagnanais milang bumisita sa Pilipinas sa […]
-
Nagpagupit sa well-known hair salon: MAINE, iniyakan at tila pinagsisihan ang kanyang short haircut
SA latest X post ni Maine Mendoza-Atayde, parang nagsisisi raw ang asawa ni Cong. Arjo Atayde sa pagpapagupit ng maikli sa ibang bansa. Ayon sa post ng host ng ‘Eat Bulaga’, “When you are in a foreign country and you make a spontaneous decision to get a haircut at a well-known hair salon for the […]