• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PISO na PROVISIONAL INCREASE ng PASAHE sa HALIP na TATLONG-PISO

Balak mag-petition sa LTFRB ang ilang jeepney transport groups para sa provisional increase na P3 – tatlong-piso – sa minimum fare dahil sa napakamahal na presyo ng diesel ngayon. 

 

 

Sa dating P9. pesos ay magiging P12. pesos ang singil ng minimum fare. 

 

 

Dama natin ang hinaing ng mga operators at drivers sa panahon ngayon na marami sa kanila ay namamalimos na sa lansangan dahil hindi sila nakapamasada ng mahabang panahon dahil sa kasalukuyang pandemya. At noong ibinalik ang pasada ay bawas ang kanilang pasahero dahil kailangan sumunod sa health protocols ng mga tao at para mapanatili ang social distancing sa public transport. 

 

 

Pero sa tingin ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ay masyado pong mataas ang hinihinging dagdag tatlong-piso para sa mga ordinaryong mananakay na marami sa kanila ay nawalan din ng trabaho at naghihikayos din sa buhay.  

 

 

Magkakaroon ng pandinig ang LTFRB pagkatapos maghain ng petisyon ang mga jeepney groups.   At sa LCSP ay hiling namin na piso na lang muna ang idagdag sa halip na tatlong-piso.  Ang P9. pesos ay magiging P10. piso na minimum fare.    

 

 

Bagamat hindi kalakihan ang pagtaas ay mababalanse natin ang pangangailangan ng mga transport groups at ang kakayahan ng mga pasahero. 

 

 

Kailangan pa rin ituloy ang tulong ng pamahalaan sa mga driver at operators at isang-tabi muna ang mga polisiyang pahirap sa kanila sa panahon ng pandemya. Ito po ang posisyon ng LCSP. 

 

 

Piso, hindi tatlong-piso. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • Ads May 12, 2023

  • DOH: Pagluwag ng Metro Manila sa Alert Level 1 sa Disyembre, ‘posible’

    Hindi malayong mailagay sa pinakamaluwag na “alert level system” ang buong Kamaynilaan basta’t masustena nito ang mga tagumpay nito sa laban sa COVID-19 hanggang Disyembre, pagbabahagi ng Department of Health (DOH).     Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes, kaugnay ng patuloy na pag-igi ng COVID-19 situation sa National Capital Region. […]

  • MM Mayors, handa na para sa pagsisimula ng A4 vaccination

    HANDA na ang Metro Manila mayors para sa pagsisimula ng A4 vaccination.   Sa katunayan ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr., sa virtual press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sinisimot na ng Local Government Units (LGUs) ang pagbabakuna sa A1 hanggang A3 group.   “Well, yes, handa na […]