• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Teleserye nina KATHRYN at DANIEL, posibleng maapektuhan sa pagtakbo ni KARLA; ibo-boycott daw ng KathNiel fans

NAKU, makaka-apekto nga kaya sa bagong teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang pagpasok ni Karla Estrada, ina ni Daniel sa pulitika.

 

 

Against daw ang KathNiel fans at napaka-vocal nila sa Twitter na lang.  Hindi sila against sa pagpasok ni Karla sa politics, ang hindi nila gusto, ang kinaaniban nitong partido.

 

 

Ang representative kasi ng Tingog Party List ay si Yeda Romualdez na isa sa 70 kongresista na pumirma para mapagkaitan ng renewal of franchise ang ABS-CBN.

 

 

Sinasabing ibo-boycott daw ng mga ito ang KathNiel at may mga obserbasyon na raw kesyo may mga nag-deactivate na raw na fans at hindi rin daw pino-post ng iba ang bago ngang serye ng KathNiel.

 

 

Isa sa mga comment online ng netizen, “Now is the time na ‘wag ng maging apolotical. Stand for who you believe. Minsan your silence is bad. It shows they are supporting the mother.”

 

 

Sa isang banda, simula nang mag-anunsiyong tatakbo si Karla, biglang naka-off na ang comment section ng Instagram account niya.

 

 

***

 

 

HINDI na namin tinanong ng diretso si Jak Roberto sa naging online mediacon ng Stories from the Heart: Never Say Goodbye kung totoo ba ang balitang break na sila ng girlfriend na si Barbie Forteza.

 

 

Sa tanong pa lang kasi namin sa kanya kung nagpapakita ba ng excitement ang girlfriend na mapanood na ang so far, biggest break niya as an actor in television, nasagot na ng malinaw ni Jak na okay na okay pa rin ang relasyon nila.

 

 

Sabi ni Jak, “Oo, kahit saan siguro ako mag-guest, kahit dumaan lang ako, napaka-supportive ni Barbie, ng mahal kong ‘yan. Talagang siya mismo ang nagpu-post. Siya mismo ang nagku-congratulate sa akin.”

 

 

At sa sobrang supportive raw talaga ni Barbie sa lahat ng projects niya, minsan nagda-doubt na raw siya kung hindi ba ito nagseselos at tinatanong na niya.

 

 

     “Trabaho lang din at ‘yun din ang maganda sa amin, parehas kaming artista at naiintindihan namin ang trabaho namin.”

 

 

Ngayong Lunes, October 18 na, sa GMA Afternoon Prime ang simula ng bagong episodes ng SFTH: Never Say Goodbye kunsaan, makakasama rin ni Jak sina Klea Pineda at Lauren Young.

 

 

***

 

 

NAG-TRENDING din sa Twitter ang hashtag na AR Virtual Concert Nom pagkatapos nga na lumabas ang announcement na ang nakaraang virtual concert ni Alden noong December 2020 ay umani ng nomination hanggang sa New York Festivals TV & Film Awards.

 

 

Ang mga fans ni Alden ang nagpa-trend at nagwi-wish ng good luck dito na sana nga raw, maipanalo.

 

 

Masayang-masaya naman si Alden sa natanggap na recognition na sa loob ng linggong ito, balita namin ay matatapos na ang lock-in taping para sa muling pag-ere ng kanyang GMA primetime series na The World Between Us.

 

 

Sabi ni Alden, “I was really happy to hear about the news and very thankful of course! Shooting in VR was a new experience for all of us. Honestly, it was not easy, but the whole team is just so happy that it gained international recognition.”

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Kahit magkakasabay ang shows at movies: DINGDONG, nakuha pa ring mag-report sa duty bilang reservist

    NGAYONG Biyernes na ang finale episode ng isa sa consistent top-rater sa primetime ng GMA-7, ang “Royal Blood.”       Nakaaaliw lang ang iba na kinukuwestiyon pa ang pagiging top-rater ng serye, e, isa yata ito sa magandang primetime series na nagawa ng GMA-7, huh!     So ‘yun nga, kung totoo raw talaga na […]

  • NU Bulldogs pasok sa Final Four: first time sa pitong taon

    Sa wakas ay tinapos ng National University (NU) ang pitong taong paghihintay para makalaro sa UAAP Final Four ng men’s basketball championship matapos talunin ang University of Santo Tomas (UST), 67-57, Linggo ng hapon sa Mall of Asia Arena.   At alam talaga ni NU coach Jeff Napa kung ano ang ibig sabihin nito.   […]

  • CHR, handang makipagtulungan sa ICC ukol sa imbestigasyon sa drug war sa Pinas

    HANDA ang Commission on Human Rights (CHR) na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon nito sa  drug war sa Pilipinas sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.     Gayunman, wala namang ideya at hindi pa alam ni CHR chair Richard Palpal-Latoc kung anong ‘specific cases’ ang titingnan ng ICC. […]