Christmas party posible na sa mga bakunado
- Published on October 15, 2021
- by @peoplesbalita
Naniniwala ang OCTA Research Group na maaari nang magdaos ng mga Christmas parties ngayong darating na Disyembre ngunit para lamang sa mga ganap nang bakunadong mamamayan.
“In places na vaccinated ‘yung attendees, kunwari sa office Christmas party na everyone’s vaccinated na, we can probably have a big Christmas party because the risk right now seems low,” ayon kay Dr. Guido David, miyembro ng OCTA.
Ito ay makaraan ang patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa at pagluwag na ng mga healthcare facilities at isolation centers.
Ngunit hindi kumbisido ang Department of Health (DOH) dito. Iginiit ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangan pa rin na ipatupad ng husto ang ‘minimum health protocols’ partikular ang pag-iwas sa matataong lugar at pagiging magkakadikit.
Handa naman umano ang DOH na mag-adjust sa sitwasyon ngunit nananatili ang palagiang pagtiyak sa kaligtasan ng lahat.
-
Malakanyang, umapela sa mga jeepney drivers, operators na huwag suspendihin ang operations ngayong linggo
SA gitna ng nagpapatuloy na pagsirit ng presyo ng langis, umapela ang Malakanyang sa public utility jeepney (PUJ) drivers at operators na huwag nang ituloy ang kanilang plano na tigil-pasada o isuspinde ang nationwide jeepney operations ngayong linggo. “Nanawagan kami sa mga tsuper at mga operator ng mga jeep na huwag ituloy ang […]
-
Mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno, handa kay ‘Gener,’ ‘Pulasan’
-
Garrett, handog sa mga fans ang isang madamdaming awitin
ISANG madamdaming regalo ang handog ng Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden para sa kaniyang fans sa pagpasok ng Bagong Taon – ang kaniyang original composition under GMA Music na pinamagatang “Our Love.” Pagbabahagi ng The Clash alumnus, espesyal ang awit na ito dahil naaalala niya rito ang yumaong ama. “As I […]