• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Desidido sa pagka-VP

Itinanggi ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga espekulasyon na magkakaroon ng “substitution” para bigyang daan ang kandidatura ng isang inbdibiduwal sa pagsasabing desidido siyang ituloy ang pagtakbo niyang bise-presidente ng bansa sa darating na 2022 elections.

 

 

“I can’t speak for the other candidates. Hindi po ako makapagsalita kung ano po ang magiging desisyon ng partido… As far as I am concerned, sa aking tinakbuhang posisyon, desidido na po ako,” sabi ni Go matapos siyang makapanayam sa pagbubukas ng ika-143rd Malasakit Center sa Doña Maria D. Tan Memorial Hospital sa Tangub City, Misamis Occidental noong Martes.

 

 

“Desisyon po ‘yan ng partido at ni Pangulong Duterte since he withdrew, hindi na siya tumuloy bilang kandidato as vice president. Kaya ako po ‘yung pinatakbo ng partido at ni Pangulong Duterte dahil kailangan po namin na meron tayong timon na magdadala at magpapatuloy ng mga adhikain ng PDP at ng administrasyong ito,” idinagdag ni Go.

 

 

Sinabi ni Go na naghahanda na ang ruling party, PDP-Laban para sa halalan at kinakailangang may titindig para sa partido at administrasyon na maipagpatuloy ang mga programa o positibong nasimulan ni Pangulong Duterte.

 

 

Anang senador, determinado siyang ipagpatuloy ang Duterte legacy, at sa pagtulong sa bansa na makabangon sa pandemya upang mabigyan ng maginhawang buhay ang Filipino, partikular ang mga vulnerable at ang mga nawawalan ng pag-asa.

 

 

Sa kabila ng umaapaw na suporta sa kanyang kandidatura, sinabi ni Go na hindi siya magpapakampante sa kanyang tsansa sa halalan.

 

 

Aniya, sa huli ay ang taongbayan pa rin ang masusunod kung sino ang nais nilang ihalal. (Daris Jose)

Other News
  • OLYMPICS HOSTING, TABLADO NA SA MGA HAPONES

    MATAPOS ang patuloy na paglaganap sa iba’t ibang panig ng bansa sa mundo ng kinatatakutang corona virus, naging hati ang reaksyon ng mga residente sa Japan kaugnay sa hosting ng kanilang bansa para sa 2020 Tokyo Olympics.   Ayon sa ulat, patuloy sa pag-ani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga mamamayan ng Japan ang […]

  • Nakaka-touch na post, nagpaiyak sa netizens: KC, thankful sa mga ‘silver lining’ kasama sina SHARON at GABBY

    NAKAKA-TOUCH at nagpaiyak sa ilang netizens ang pinost ni KC Concepcion, tatlong araw bago masilayan ang ‘Dear Heart: The Concert’ ng kanyang Mommy Sharon Cuneta at Daddy Gabby Concepcion.     Para kay KC at maraming followers na dream come true at answered prayer ang reunion concert nina Sharon at Gabby na magaganap na bukas […]

  • Ads October 12, 2022