JULIA, hiyang-hiya sa titulong ‘Princess Royalty of the Century’ dahil sa pressure at mataas ang expectation
- Published on October 16, 2021
- by @peoplesbalita
‘DRAMA ang ibinigay na title ng Viva Films si Julia Barretto.
Nahiya daw si Julia sa title na ibinigay sa kanya.
Well, dapat lang naman siyang mahiya kasi hindi siya deserving of such tag. Maski si Julia ay batid na masyadong mataas ang expectation na nakakabit sa nasabing tag.
Hindi naman siya isang royalty. Hindi pa naman siya pwedeng i-claim na winner siya ng isang major acting award for her to be labeled as drama princess.
Kanino idea kaya na bigyan si Julia ng title na Drama Princess Royalty of the Century?
They are putting too much pressure on Julia.
***
PAPAYAGAN na magbukas ang mga sinehan pero hindi pwedeng magkatabi ang manonood.
Ito ay ayon sa directive na nagmula sa DILG (Department of Interior and Local Government).
Simula ngayong Sabado,Oktubre 16, isasailalim na sa Alert Level 3 ang Metro Manila. Kasabay nito ay bubuksan na ang mga sinehan at arcade para sa mga bakunado.
Ang tanong lang dito ay may pelikula ba na in the can na pwedeng ipalabas? Willing kaya ang mga producers na ipalabas ang movies nila kahit na 30% lang ang capacity ng sinehan?
Dahil papayagan na magbukas ang mga sinehan, pwede kaya natin asahan na bukas na rin ang sinehan kung matutuloy ang Metro Manila Film Festival sa December?
If that happens, mas marami na ang pwede manood sa malls kahit pa 30% ang capacity at di pwedeng tabi-tabi sa upuan. Let’s face, hindi lahat ng tao ay enjoy na manood sa cellphone.
Iba pa rin yung experience na manood ng movie sa big screen. Kasi parang event sa ating mga Pinoy ang panonood ng sine kasama ang kapamilya at kaibigan.
Some producers are reluctant to join the MMFF dahil virtual ang screening. Kung bubuksan na ang theaters, kahit na 30 percent capacity lang, marami ang magkakainteres manood sa mall.
***
WE were among those invited sa special preview ng Yorme, ang bio pic ni Manila Mayor Isko Moreno (produced by Saranggola Media) and Viva Films under the direction of Joven Tan.
We were not expecting anything grand, knowing that the movie was shot during the pandemic at may mga restrictions dahil sa health protocols.
We liked the movie. Pasado sa amin ang trabaho ni Direk Joven sa Yorme na isang musical film. Siya rin ang sumulat ng script at nag-compose ng 15 songs ginamit sa pelikula.
Touching ang movie. Hindi naman intention ng movie na paiyakin ka pero kukurutin ang puso mo ng inspiring na kwento nang pagbangon mula sa kahirapan into somebody na binigyan ng dignidad ang sarili thru hardwork.
Mahusay sina Raikko Mateo (batang Isko) at si McCoy de Leon (na gumanap na teenager na Isko). Ang gusto namin eksena ni Raiko ay ‘yung recognition day niya kung saan first honor siya sa klase nila. Dito inawit ‘yung ‘Naniniwala Ako.’
Ang gusto namin scene ni McCoy ay ‘yung nadiskubre na siyang artista and ‘yung scene kinanta niya ang ‘Nais Ko.’
Ang gusto namin scene ni Xian Lim, who plays the adult Isko, ay ‘yung kausap niya si Lou Veloso at yung final frame na may watawat sa backdrop. Okey din ang performance ni Xian.
Inspiring ang pelikula na ang mensahe ay malayo ang iyong mararating if you work hard to achieve your dreams.
Marami pa sana gustong gawin si Direk Joven to make Yorme even better pero dahil may pandemic, hindi ito pwede. Like sa eksena ng political rally when Isko ran for Mayor, siyempre hindi pwede kunan ang crowd kaya boses na lang ng mga tao ang maririnig.
Hindi rin pwede mag-shoot ang child star kaya si Raiko ay doon na lang kinunan sa bahay nila. Kailangan lang na maipakita na kumakanta siya sa ibabaw ng basura.
Pero Yorme is entertaining. And touching. At walang bahid politika ang kwento.
(RICKY CALDERON)
-
Administrasyong Marcos, prayoridad ang food security
GAGAWIN lahat ng incoming administration ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang makakaya nito at pagsisikap upang matiyak ang food security sa bansa. Ito’y matapos magbabala ang World Bank, World Trade Organization, United Nations Food and Agriculture Organization, at World Food Programme ng global food crisis na makaaapekto sa mahihirap at developing countries. […]
-
Ads January 26, 2022
-
Halos 40 bansa na ang nagtala ng Omicron coronavirus variant – WHO
Umabot na sa 38 mga bansa ang nakapagatala ng Omicron coronavirus variant. Itinuturing kasi ng World Health Organization (WHO) na ang nasabing variant ng COVID-19 ay mabilis humawa. Pinakahuling bansa ang US at Australia na may naiulat na local transmission ng Omicron. Nagbabala ang WHO na aabutin pa ng […]