• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga taga- NCR dumagsa sa mga pampublikong pasyalan at mall, parang nakawala sa hawla –MMDA

ITINURING  ni  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos Jr. ang mga tao sa National Capital Region (NCR) na parang nakawala sa hawla sa unang linggo ng alert level 3 sa Metro Manila.

 

 

Dumagsa kasi ang mga tao sa ilang pampublikong lugar at mga pasyalan gaya sa Manila bay.

 

 

Ani Abalos, nalito at labis na na-excite ang mga tao ngunit sa mga sumunod na araw ay naging maingat na ang mga tao sa Kalakhang Maynila at sumusunod na sa social distancing.

 

 

“Sa simula talagang dagsaan ang tao, talagang parang nakawala sa hawla, especially doon sa dolomite beaches and then nagkaroon ng konting…nalito sila kung pupuwedeng pumunta sa mall,etc,”ayon kay Abalos.

 

 

Ang mahalaga aniya ay madali namang makaintindi ang mga tao at sumusunod naman sa mga panuntunan na isang magandang indikasyon para magkaroon tayo ng masayang paskong Pinoy.

 

 

“We are opening up slowly and as you would see, even dito sa undas natin medyo naghigpit tayo. We are slowly calibrating, although papunta na tayo roon, konti na lang andoon na yung push natin ” aniya pa rin.

 

 

Samantala, patuloy  nilang oobserbahan ang sitwasyon sa mga susunod na araw para makita ang resulta ng ipinatutupad na alert level 3 sa Kalakhang Maynila. (Daris Jose)

Other News
  • National Police Commission, kulang ng 50,000 personnel

    INIHAYAG  ng mataas na opisyal na kulang sa bilang na humigit-kumulang 50,000 police personnel ang National Police Commission (NAPOLCOM).     Ayon sa pahayag sa senado ni National Police Commission vice chairperson at executive officer Alberto Bernardo, mayroon silang 129,000 manning position para sa patrolmen at patrolwomen ngunit ang kasalukuyang bilang ng nasa nasabing posisyon […]

  • ‘Hulihin na’: Apollo Quiboloy ipinaaaresto ng Senate committee

    INIREKOMENDA na ng Senate committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na ipaaresto ang religious leader na si Apollo Quiboloy dahil sa patuloy na pag-isnab sa mga pagdinig kaugnay ng reklamong pang-aabuso sa miyebro.     Ito ang binasa ni committee chair Sen. Risa Hontiveros sa kanyang opening statement ngayong Martes sa pag-asang […]

  • IRONMAN 70.3 Puerto Princesa daragsain ng mga lokal, dayuhan

    MAGARANG pakikipagsapalaran sa magandang isla ng bansa at hindi pa nalalapastangan ng mga tao ang naghihintay sa mga endurance racer sa IRONMAN 70.3 Puerto Princesa na kakaripas sa Linggo Nobyembre 13.     Una para sa kabisera ng Palawan, may pinakamalinis na kapaligiran sa bansa, na magdaraos ng premier tri-sport na todo suporta lahat para […]