• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

200 PWUD NAGTAPOS SA NAVOTAS REHAB PROGRAM

NASA 219 people who use drugs (PWUDs) ang nakapagtapos mula sa Bidahan, ang community-based treatment at rehabilitation program ng Pamahalaang Lungsod Navotas kung saan 13 ang children in conflict with the law (CICL).

 

 

Ang dating PWUDs na sumailalim sa anim na buwan online at limited face-to-face counseling ay isinagawa ng Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC) katuwang ang Narcotics Anonymous.

 

 

Samantala, ang 41 naunang nakatapos sa Bidahan ay nakakumpleto ng anim na buwan aftercare program, at 10 ang nakatapos sa 18 months follow-up counseling sessions.

 

 

“We are glad that our fellow Navoteños have decided to change their ways. We are also happy for their families and loved ones. To our graduates, feel free to reach out to us or your counsellors any time. Changing for the better is difficult but we are here to support you as you strive to overcome your challenges,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Pinaalalahanan naman ni Cong. John Rey Tiangco ang mga nakapagtapos na pag-isipang mabuti kung anu man ang kanilang napagpasyahan gawin.

 

 

“Your graduation from Bidahan doesn’t mean the end of your problems. Every day would be a struggle, and you need to think carefully what to do next as you continue your journey towards becoming responsible and productive citizens,” aniya. (Richard Mesa)

Other News
  • 32 siyudad at bayan, isinailalim sa State of Calamity dahil kay bagyong Karding

    KASALUKUYANG nasa  32 mga lungsod at munisipalidad ang nasa ilalim  ngayon ng state of calamity.     Ito ang inihayag  ni Press Secretary Atty Trixie Cruz-Angeles sa gitna ng patuloy na assessment na ginagawa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hinggil sa bagyong Karding.     Wika ni Cruz-Angeles, may 60, 817  […]

  • PBBM, First Lady Liza bibisitahin ang Germany, Czech Republic sa susunod na linggo

    NAKATAKDANG lumipad si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong Germany at Czech Republic sa susunod na linggo.     Inimbitahan kasi si Pangulong Marcos ni German Chancellor Olaf Scholz para sa Working Visit sa Germany, at ni Czech President Petr Pavel para sa State Visit sa Czech Republic.     Ang nasabing back-to-back visits ay […]

  • DILG, hiniling sa Facebook na alisin ang illegal e-sabong accounts

    NANAWAGAN ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa Facebook na alisin ang ilang pages, grupo at accounts na di umano’y nanghihikayat sa mga Filipino na mag- online cockfighting o “e-sabong”.     Lumiham kasi si DILG undersecretary Jonathan Malaya sa social media giant na humihiling na i-block ang ilang Facebook pages at accounts […]