• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BARON, nag-sorry sa mga nasaktan na bading noong ‘bad boy’ pa siya; JOEL, may ibinahagi rin na ‘di malilimutang karanasan

NAG-SORRY si Baron Geisler sa mga nasaktan niya na mga bading noong ‘bad boy’ pa siya.

 

 

Sa virtual mediacon ng BarumBadings, ang newest offering ng Vivamax na mula sa direksyon at panulat ni Darryl Yap, natanong ang cast na noong kabataan ba nila ay naging barumbado dahil sa mga bading at ano ang natutunan nila sa situasyon.

 

 

Sagot ni Baron, “I think this is the best time to say sorry to those I hurt during the time I was very bad boy o barumbado.

 

 

     “Kunwari, may madaanan lang ako na bading, nasasampal ko sa mukha, nasa tatlo yata ‘yun.  So, kung sino man kayo, sana po mapatawad n’yo na ako.

 

 

     “Thank you, dahil nabigyan ako ng pagkakataon na makapag-apologize sa kanila.”

 

 

Pag-amin pa ni Baron, “it’s not good to hurt anyone, psychologically and physically.  It is really bad. And be kind to everyone. And respect boundaries as well.

 

 

     “Noong nasa loob ako ng rehab, nakita ko yun past mistakes ko at sobrang maling-mali ‘yun ginawa ko talaga, kaya nagso-sorry ako from the bottom of my heart.”

 

 

Kuwento naman ni Joel Torre, nagpapasalamat siya na hindi siya nagkaroon ng indecent proposals from gays, pero buo ang respeto niya dahil marami siyang kaibigan at nakatrabaho na mga bading.

 

 

Pero dagdag pag-amin ang premyadong aktor, “pero once lang, parang dinakma ako sa isang premiere night, kaya nilapitan ko at sinabihan na, ‘don’t ever to that again’, hanggang doon lang, hindi ko naman sinigawan o nagwala ako.

 

 

     “Ang sa akin, respeto lang. Respect begets respect.”

 

 

Wala naman karanasan sina Jeric Raval at Mark Anthony Fernandez na naging barumbado dahil sa ginawa ng isang bading, at aminado rin sila marami silang naging kaibigan.

 

 

Anyway, kaaliw ang ginawang teaser ni Direk Darryl sa kanyang social media post sa pag-I-introduce sa tatlong aktor bilang “Mga Bagong Reyna ng Viva.”  At tinawag pa niyang Jerica Raval, Marie Antoinette Fernandez, at Baroness Geisler ang mga bida ng Barumbadings.

 

 

Ang award-winning actor na si Joel Torre aka Jewel Torre ay gaganap na Mother Joy, na siyang nagbubuklod kina Izzy (Jeric), Jopay (Mark Anthony), at Rochelle (Baron).

 

 

Kasama rin sa action-comedy film sina John Lapuz as Queenpin, also a gay, at Cecil Paz as Buchi, na isa namang lesbian, na ex-lovers na naging mortal enemies.

 

 

Tegi na ang mga baklang madrama. Action star na ang mga reyna!  Kaya don’t dare miss the fun and action sa Barumbadings, streaming exclusively sa November 5 sa Vivamax.

(ROHN ROMULO) 

Other News
  • Dwayne Johnson Recreates Iconic Black Adam Comics Cover For DCEU Movie

    DWAYNE Johnson recreates and iconic Black Adam comic cover in new photo.   The upcoming, hotly-anticipated DC Extended Universe movie marks the superhero debut of Johnson, who has been attached to play the titular anti-hero since 2014. Originally, the plan was for Johnson to appear as a villain in Shazam!, but his character was later […]

  • PBBM, target ang government-to-government deals para sa pagbili ng fertilizer

    TARGET ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isulong ang  government-to-government talks para tugunan ang tumataas na presyo ng  fertilizers.     Naniniwala kasi si Pangulong Marcos na maaaring makabili ang pamahalaan ng mas murang fertilizers sa pamamagitan ng  government-to-government deals.     Kinokonsidera ng Chief Executive ang makipag-usap sa  China, Indonesia, United Arab Emirates, […]

  • Pangulong Marcos inalala yumaong ama

    NAGBIGAY ng madam­daming mensahe si Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-35 aniber­saryo ng kamatayan ng yumaong ama na si dating ­Pangulong Ferdinand Marcos Sr.     Sa facebook post ng Pangulo, umaasa siya na proud sa kanya ang ama ngayon.     “My father lived in service to our country. He advocated for development, justice, […]