Halos 26-M Pilipino fully vaccinated na vs COVID-19 – Malacañang
- Published on October 29, 2021
- by @peoplesbalita
Humigit kumulang 26 million Pilipino na ang fully vaccinated kontra COVID-19, ayon sa Malacañang.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hanggang noong Oktubre 25 ay kabuuang 56,254,529 doses na ng COVID-19 vaccines ang naituturok.
Sa naturang bilang, 30,298,860 dito ang first dose habang 25,955,669 naman ang second dose.
Kabuuang 538,836 doses naman ng COVID-19 ang naiturok sa buong bansa kahapon lamang, ayon kay Roque.
Samantala, sa Metro Manila, sinabi ng opisyal na mahigit 17.6 million doses ng COVID-19 vaccines ang naituturok na.
Sa ngayon, 95 percent aniya ng mga residente sa Metro Manila ang nabigyan ng first dose, habang 85.79 percent naman ang fully vaccinated. (Daris Jose)
-
Jose, gaganap na kapatid niya: VIC, babu na muna sa pagiging ‘daddy’ sa bagong sitcom
BABU muna si Bossing Vic Sotto sa pagiging ‘daddy’ sa papel niya bilang si Boss EZ sa ‘Open 24/7’ ng GMA. “Ang pinaka-role ko rito ay kung papaano makiki-interact sa dalawang generations; millennial at yung mga Gen Z. “Alam naman natin na iba na ang mga pananaw ng mga kabataan ngayon […]
-
Nagkakamabutihan na ba ang mga Kapuso stars?: BUBOY, nagba-blush at natataranta ‘pag natatanong si FAITH
NAGKAKAMABUTIHAN na ba sina Buboy Villar at Faith da Silva? Ito ang tanong na nagpa-blush kay Buboy at parang nataranta siyang naghanap ng isasagot tungkol sa kanilang ni Faith. Ayon kay Buboy, naging close daw sila ni Faith dahil sa pagsama nila sa musical-comedy segment ng All-Out Sundays. Minsan daw niyang […]
-
Vice President Sara nagbabala sa solicit scam
NAGPAALALA sa publiko si Vice President Sara Duterte laban sa mga scammer na gumagamit ng kaniyang pangalan para makapang-scam ng pera. “Mag-ingat sa mga tao o grupong mangongolekta sa inyo ng pera gamit ang aking pangalan,” ayon kay Duterte sa Facebook page post niya. Sinabi niya na karaniwang nagpapakilala ang mga […]