• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dolomite Beach isara muna – Binay

Habang wala pang malinaw na regulasyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), iginiit ni Sen. Nancy Binay ang pagpapasara ng Dolomite beach sa Manila Bay.

 

 

Ayon kay Binay, ito ay habang walang maliwanag na sistema ang DENR para sa mga taong nagtutungo sa naturang lugar.

 

 

Iginiit pa ng senador na nagsisikap ang mga frontliner sa health sector para makontrol ang hawaan ng COVID-19 at ng sumusulpot na variants nito, kaya kakatwa na may mga okasyon o lugar kung saan hinihikayat ang pagtitipon o kumpulan ng maraming tao.

 

 

Iminungkahi naman ni Binay na dapat kapulutan ng leksyon ng national at local government units (LGUs) ang pagdagsa ng mga tao sa Dolomite beach.

 

 

Dahil ibig sabihin umano nito ay kaila­ngan nang isama sa urban planning ang mga bukas na lugar na mapupuntahan ng mga tao sa ilalim ng new normal na bunsod ng ekonomiya. (Gene Adsuara)

Other News
  • Ads June 27, 2023

  • MGA PEKENG RESIBO at LISTAHAN ng mga TAONG BAWAL PUMASOK sa LTFRB, DAPAT IMBESTIGAHAN

    May “Fake Receipt Representatives” tagging pala sa LTFRB. Ayon sa mga nagrereklamo ay kapag napabilang ka sa tinatawag na “List of Authorized Representatives submitted Fake/ Tampered Receipts” ay ban ka pumasok sa LTFRB central office.     Nakakuha ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ng listahan at kinumpirma sa amin na hindi nga […]

  • Procurement ng plastic cards para sa driver’s license, hinihintay na lamang ng LTO

    BINIGYANG diin ng Land Transportation Office na ang kakulangan sa supply ng mga plastic card na ginagamit para sa mga driver’s license ay maaaring napigilan.     Ayon kay LTO chief Jay Art Tugade, pinaalalahanan nila ang mga opisyal ng transportasyon tungkol sa pagkaantala sa pagbili ng mga plastic card.     Idinagdag niya na […]