3 kalaboso sa P1.5 milyon shabu sa Caloocan
- Published on November 4, 2021
- by @peoplesbalita
KULONG ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P1.5 milyon halaga ng shabu nang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita habang sakay ng dalawang motorsiklo sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na sina Jeffrey Filiciano, 43, Regie Rivera, 35, messenger, kapwa ng Sampalok, Manila, at Jeric Sy, 52 ng 5th Avenue Brgy. 53 ng lungsod.
Base sa report ni Col. Mina kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Hidalgo Jr., dakong alas-12:05 ng hating gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita sa kahabaan ng Taksay St., Brgy. 28 ang mga tauhan ng Tuna Police Sub-Station (SS1) sa pangunguna ni PMAJ Jerry Garces nang parahin nila ang mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo dahil walang suot na mga helmet.
Gayunman, hindi pinansin ng mga suspek ang mga pulis at tinangkang tumakas ng mga ito na naging dahilan upang habulin sila ng mga parak hanggang sa bumangga sa nakaparadang truck si Sy habang naaresto naman ang dalawa niyang kasama.
Nang kapkapan, nakuha ni PCpl Joeph Young kay Sy ang isang knot tied plastic sachet na naglalaman ng nasa 100 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P680,000 habang narekober naman ni PCpl Christian Malinao kay Rivera ang isang medium plastic sachet na naglalaman ng nasa 25 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P170,000.
Nasamsam naman ni PSSg Ernesto Camacho kay Filiciano ang isang knot tied plastic sachet na naglalaman ng nasa 100 grams ng shabu na may standard drug price P680,000 at isang weighing scale.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art 151 of RPC, RA 10054 at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002. (Richard Mesa)
-
3 timbog nang magtransaksyon ng shabu sa harap ng mga pulis sa Navotas
Kalaboso ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos magtransaksyon ng shabu sa harap mismo ng mga operatiba ng Maritime Police na nagsasagawa ng surveillance operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Major Rommel Sobrido ang mga naarestong suspek na si Albert Mejarito, ng […]
-
ARA, nadismaya na sa panahon ng pandemya ay may mga taong nais manloko
GRABE na talaga ang panahon ngayon, gagawin talaga ang lahat para lang makapanglamang o makapangloko ng kapwa. Sa post ni Ara Mina sa kanyang IG account last week, muntik na ngang mabiktima ang mga staff sa negosyo niyang Hazelberry Cafe na kung saan may isang poser na nag-message sa apat na branches nila […]
-
SUSPEK SA PAGPATAY SA DLSU STUDENT, KILALA NA
KILALA na ng Cavite police ang suspek sa pagpatay sa isang Graduating student ng De La Salle University (DLSU) Dasmariñas na natagpuang wala ng buhay sa loob ng isang dormitory sa Dasmariñas City Cavite noong Marso 28, 2023. Kinilala ni PLt Coronel Jose Oruga Jr, Hepe ng Dasmarinas City Police ang suspek na […]