• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA hihirit na magkaroon na ng live audience sa mga laro

Umaasa ang Philippine Basketball Association (PBA) na makakabalik na sa normal set-up ang 2021 PBA Governor’s Cup.

 

 

Nakatakda kasing magsimula ang second conference sa ikatlo o huling linggo ngayong buwan na mayroong mga imports.

 

 

Noong nakaraang taon kasi ay nagsagawa lamang ang liga ng All-Filipino Conference dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial, na sana ay payagan na silang magkaroon ng mga audience sa mga laro.

 

 

Napayagan na rin aniya ang mga sinehan kaya susubukan nilang makahingi ng permit para payagang magkaroon ng mga audience ang mga laro.

 

 

Magugunitang pinayagan lamang ng Inter-Agency Task Force ang pagkakaroon ng mga contact-sports kapag ito ay isasagawa sa bubble-format.

Other News
  • Durant hindi makakapaglaro ng 2 linggo dahil sa injury

    Hindi makakapaglaro ng hanggang dalawang linggo si Brooklyn Nets star Kevin Durant.   Ayon sa koponan na nagtamo si Durant ng injury sa kaniyang kanang tuhod.   Natamo nito ang injury ng magkabanggaan sila ni Jimmy Butler ng Miami Heat sa third quarter.   Lumabas sa scan nitong Lunes na nagtamo siya ng ligament sprain. […]

  • Tiger Woods patuloy ang pagpapagaling matapos ang madugong aksidente

    Patuloy na nagpapagaling si US golf superstar Tiger Woods.     Sa kaniyang social media account, nagpost ito ng larawan na nakasaklay.     Sinabi nito na prioridad niya ngayon ang makapaglakad ng mag-isa.     Ito ang unang paglabas niya sa media matapos ang madugong aksidente noong Pebrero 25.     Magugunitang nagtamo ng […]

  • ‘Betty’ humina, Signal No. 1 nakataas sa 12 lugar

    HINDI na ‘super typhoon’ ang category ng bagyong Betty matapos itong humina habang nasa Philippine Sea.     Ayon sa PAGASA, dala ng bagyong Betty ang lakas ng hangin na 175 km per hour at pagbugso na hanggang 215 kph.     Sa kabila ng paghina nito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal […]