• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAOLO, muling nagparamdam sa Instagram account after nang pananahimik; may nagyaya na mag-Baguio as a friend

POSIBLENG dahil malapit ng ipalabas ang GMA Afternoon Prime na I Left My Heart in Sorsogon kunsaan, pinagbibidahan ito nina Heart Evangelista, Richard Yap at Paolo Contis kaya ang huli ay biglang nagparamdam na sa kanyang Instagram account.

 

 

Halos dalawang buwan din itong nanahimik. Ang pinost nga ni Paolo ay ang pag-ride na rin niya sa sleeping head sculpture na ipinost ng dalawang miyemnro ng BTS na sina J-Hope at V. 

 

 

Ang dami naman talagang nakapansin na ang laki raw ng pagkakahawig ni Paolo sa sculpture at mismong si Paolo, nagsabing “may point naman sila!” sa caption niya.

 

 

Pero bukod sa may mga nag-welcome naman sa kanya sa pagbabalik niya sa IG at may naka-miss sa kanya, ang daming comment na inaaya siya sa Baguio!

 

 

Sey ng mga comments, “Tara sa Baguio as a friend.

 

 

“Bangon na diyan, tara na sa Baguio as a friend.”

 

 

      “Punta ka na ulit sa Baguio, dali haha!”

 

 

      ***

 

 

SA palitan namin ng private message ni Katrina Halili, sinabi nga nito na nagpa-check-up siya at nag-undergo ng mga laboratory test, pati na ang M.R.I.

 

 

Although sa ngayon, sinabi niyang wala pa naman daw siyang masasabi dahil wala pa ‘yung mga medical test na ginawa sa kanya at kailangan pa rin daw niyang kumonsulta sa dalawang doctor.

 

 

Pero ayon dito, halos dalawang buwan na rin daw kasi siyang nakararamdam ng sakit. Nagkataon na naka-lock-in taping siya para sa kanyang GMA Afternoon prime na Prima Donnas.

 

 

“I went to a neuro limbs expert and had emg lab to test my hand and neck. At the back, to check my nerves, muscles and bones then after, he recommended me to book an M.R.I. last night and today, I’ll be seeing a neuro doctor,” sey ni Katrina.

 

 

Habang nasa lock-in taping, meron daw siyang online rheumatologist consultation at niresetahan muna siya ng pregabalin para sa kanyang nerves at tramadol para sa pain. Tiniis na lang daw niya muna ang pain dahil alam niya naman na October 28 ay makakauwi na siya.

 

 

Kaya nang kakailangan pa sanang mag-extend, nagpaalam na raw talaga siya dahil kailangan na niyang magpa-consult sa doctor.

 

 

Sabi pa ni Katrina, “I cannot take pain reliever lang until December.  Almost a month of taking it is worst na for my kidney. Kaya nagpaalam na ako na I really need to go to a doctor to check me personally.  Actually, I have three different expertise of neuro doctor na naka-sched. 

 

 

      “After all the doctors appointment and lab test, I’m hoping na it’s not worst naman.”

 

 

Sa December 5 pa naman daw ang simula muli ng kanyang quarantine para sa pagre-resume ng lock-in taping nila sa Prima Donnas hanggang sa ikalawang Linggo ng December.

 

 

Prayer namin na maging maayos ang lahat ng medical test niya.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Big advantage na anak ng sikat na singer: RACHEL, ‘di ma-describe ang feeling at saya ‘pag nakakasama si HAJJI

    FOR sure ay isa ka sa mga kinilig noong 90’s sa dance group na Streetboys, my dear editor Rohn Romulo.   Kaya tiyak na isa ka sa happy na may dance concert sila na mistulang reunion na rin nila, ang The Sign 90’s Supershow: A Benefit Concert.   Nag-throwback nga ang isa sa mga members nila, […]

  • McGregor pinayuhang magpokus sa boxing

    Pinayuhan ng ilang eksperto si Ultimate Figh­ting Championship (UFC) superstar Conor McGregor na tigilan muna ang UFC kung nais nitong makuha ang inaasam na mega fight kontra kay eight-division world champion Manny Pacquiao.     Mismong si boxing legend George Foreman na ang nagsabi na mas makabubuting ituon muna ni McGregor ang konsentrasyon nito sa […]

  • ‘Social media giant’ na Facebook at iba pang sites gaya ng Instagram pansamantalang hindi ma-access

    Nakaranas ng massive outages ang pangunahing social media services na kinabibilangan ng Facebook, Instagram at WhatsApp simula nitong gabi ng Oktubre 4.     Base sa outage tracker na Downdetector na bukod sa Pilipinas ay nakaranas ang outages sa Washington at Paris.     Dahil dito maraming mga netizens ang nagparating ng kanilang karanasan sa […]