• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MM mayors nagkasundo na huwag nang gawing mandatory ang face shield – Abalos

Nagkasundo na ang mga alkalde sa National Capital Region (NCR) na gawin na lamang optional ang pagsusuot ng face shields, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos.

 

 

Sa isang panayam, sinabi ni Abalos na sa mga ospital, health centers, at public transportation na lamang nais ng mga Metro Manila mayors gawing mandatory ang pagsusuot ng face shields.

 

 

Kaya naman iginiit ni Abalos na suportado nila ang mungkahi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na huwag nang obligahin ang mga tao sa pagsusuot ng face shields sa ilang lugar.

 

 

Ngayong araw, sinimulan na ng Manila City government ang hindi pag-oobliga sa mga papasok sa lungsod nang pagsuot ng face shield base na rin sa ilalim ng executive order na inilabas at nilagdaan ni Mayor Isko Moreno.

 

 

Nakasaad sa naturang kautusan na mananatili namang mandatory ang pagsuot ng face shield sa hospital settings, medical clinics, at iba pang medical facilities.

 

 

Tinukoy ng alkalde ang paglalagay sa Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 2 at mga ulat na karamihan sa mga miyembro ng IATF ang nais nang ibasura ang kautusan sa pagsusuot ng face shield. (Daris Jose)

Other News
  • Shin Hae-sun Tracks Fraud Online Seller in Korean Crime Thriller “Target”

    SET within the contemporary world of e-commerce, a woman’s life falls apart after buying a used item online in “Target”, a Korean thriller with a star-studded cast that includes K-drama’s favorites – Shin Hae-Sun (Mr. Queen), Kim Sung-kyun (Moving), Lim Chul-Soo (Crash Landing on You), Lee Joo-Young (School Nurse Files) and Kang Tae-oh (Extraordinary Attorney […]

  • Ads March 11, 2021

  • ‘Best Night Ever’ ang naging experience niya… KIM, sobrang saya na nakapanood ng Blackpink sa Georgia, USA

    NAPAKASAYA ni Kim Chiu na nakapanood ng concert ng Blackpink sa Georgia, USA.       Bukod pa kasi sa experience na ‘yon, nakapag-travel si Kim mula sa Las Vegas (kunsaan ang ASAP in Vegas) sa Georgia na mag-isa at isang backpack lang ang dala.   In bold letters na “Best Night Ever” raw para kay […]