• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manuel diretso sa Smbeer kapalit ni Santos

Hindi pa man niya naisusuot ang uniporme ng NorthPort ay muling nai-trade si veteran power forward Vic Manuel sa San Miguel kapalit ni one-time PBA Most Valuable Player Arwind Santos.

 

 

Inaprubahan kahapon ng PBA Commissioner’s Office ang nasabing trade sa pagitan ng Batang Pier at Beermen.

 

 

Naunang nahugot ng NorthPort ang 34-anyos na si Manuel kasama si wingman Michael Cali-saan mula sa Phoenix noong Biyernes kapalit nina 2019 top Defensive Player Sean Anthony, sophomore Sean Manganti at isang 2021 second round draft pick.

 

 

Dadalhin ng 40-anyos na si Santos, hinirang na PBA MVP noong 2013 at Finals MVP noong 2011 Governors’ Cup at 2015 Philippine Cup, ang kanyang malawak na eksperyensa sa kampo ng Batang Pier.

 

 

Ang NorthPort ang ikatlong PBA team ng tubong Angeles City matapos kunin ng Air21 bilang No. 2 overall pick noong 2006 Annual Draft at maglaro para sa Petron Blaze/San Miguel sa loob ng 12 taon.

 

 

Bahagi ang dating King Tamaraw ng Far Eastern University ng siyam na PBA titles ng Beermen.

 

 

Samantala, makikipag-usap ang PBA sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa gagamiting health and safety protocols sa pagdaraos ng 2021 Governor’s Cup sa huling linggo ng buwan.

 

 

“We’ll seek guidance on everything with the safety of everyone remaining the primordial concern of the league,” wika ni PBA Commissioner Willie Marcial. “To further solidify the safety protocols to be crafted, We’ll invite Dr. Raul Canlas to join us in the meeting,” dagdag pa nito sa kanilang pag-imbita sa sikat na orthopedic surgeon at FIBA medical commission member na kinuha ng liga bilang medical consultant.

 

 

Plano ng PBA na buksan ang torneo na naglatag ng 6-foot-6 height limit para sa mga imports sa Nobyembre 28 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City matapos ang paglulunsad sa PBA 3×3 sa Nobyembre 20.

Other News
  • Women’s volleyball semis sa MOA nagtala ng record sa may pinakamaraming sports fans sa gitna ng pandemya

    BUMUHOS ang mga volleyball fans kagabi sa ginanap na semifinals game ng Premier Volleyball League (PVL) na isinagawa sa Mall of Asia Arena (MOA) sa Pasay City.     Maraming mga sports analysts ang nagulat at natuwa dahil sa kabila ng umiiral na pandemya ay nagagawa nang punuin ng mga fans ang ganitong mga laro […]

  • Gobyerno kapos ng P1.11 trilyon sa pondo

    UMAABOT na sa P433.16 bilyon ang ginastos ng pamahalaan mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon sa pagbayad lamang ng utang, higit doble ng budget ng Department of Social Work and Development ngayong taon.     Sa datos ng Bureau of the Treasury (BTr), P387.93 bilyon ang kabuuang ginastos ng pamahalaan nitong Oktubre at P33.18 bilyon […]

  • PBBM: Pinas nahaharap sa ‘water crisis’

    INAMIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nahaharap ngayon ang Pilipinas sa krisis sa tubig kaya nilagdaan niya ang Executive Order (EO) na lilikha sa Office of the Water Management.     Sa talumpati ng Pangulo sa 6th Edition Water Phi­lippine Conference and Exposition sa SMX Convention Center sa Pasay City, sinabi nito na seryoso […]