• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Benepisyaryo ng 4PS na nais magpabakuna, dumami – DSWD

Matapos pagbantaan na hindi makatatanggap ng kanilang benepisyo, mas marami nang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nais nang magpabakuna kontra COVID-19.

 

 

Inamin mismo ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Glenda Relova na marami talagang 4Ps beneficiary ang takot na magpabakuna dahil sa sabi-sabing masamang epekto. Pero napaliwanagan na umano sila sa ginanap na mga pagpupulong na isinagawa ng DSWD.

 

 

“Prior to our vaccination program, meron talagang ano, hesitancy and fears ang ating mga benepisyaryo. Ito ay napag-alaman namin based on the survey namin bago tayo nagkaroon ng bakuna,” ayon kay Relova.

 

 

Nagsagawa umano ang DSWD ng ibayong ‘information drive campaign’ para mabigyan ang mga benepisyaryo ng tamang impormasyon ukol sa mga benepisyo ng pagpapabakuna.

 

 

Aabot na umano sa 526,000 benepisyaryo ang nakapagpabakuna kontra COVID-19.

 

 

“It is also worthy to note na ang ating mga 4Ps ay kabilang sa ­ating A5. So nagsisimula palang tayong mag-rollout dito sa sector ng A5 so baka pagka nagkaroon tayo ng massive rollout, tataas pa po itong figures na ito,” paliwanag pa ni Relova. (Gene Adsuara)

Other News
  • Halos 29-K job seekers, sinamantala ang ‘Independence Day’ job fair

    MAHIGIT 28,000 na mga naghahanap ng trabaho ang nagtungo sa iba’t ibang lugar kung saan isinagawa ang nationwide “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan” job at business fairs bilang bahagi ng Independence Day celebration.     Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), sinamantala ng 28,600 job seekers ang 151,000 local at overseas employment opportunities.     […]

  • Klase sa lahat ng antas sa Bulacan, sinuspinde ni Fernando vs COVID-19

    LUNGSOD NG MALOLOS- Sa rekomendasyon ng Provincial Health Office-Public Health at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, sinuspinde ni Gob. Daniel R. Fernando ang klase sa lahat ng antas sa buong lalawigan ng Bulacan kahapon (Martes) bilang pag-iingat sa banta ng pagkalat ng coronavirus disease, na kilala bilang COVID-19.   Ang suspensyon ay alinsunod […]

  • Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19

    Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari […]