• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PUGANTENG SOUTH KOREAN, INARESTO SA PORNOGRAPIYA

INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng South Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagpapakalat ng pornograpiya.

 

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente si  Jung Yonggu, 38, ay naaresto sa Cebu City sa bisa ng  Warrant of Deportation na inisyu nitong October laban sa kanya sa pagiging undocumented alien  at banta sa seguridad .

 

 

“The office received information of his crimes from South Korean authorities,” said Morente.  “Upon receipt of the information, we immediately filed a charge against him and conducted an investigation to locate and arrest him,” ayon kay Morente.

 

 

Ayon din kay BI Fugitive Search Unit Chief Rendel Sy, si Jung ay may outstanding warrant of arrest na inisyu sa kanya ng Seoul Central District Court  noong November 2018 dahil sa pagpo- promote at sirkulasyon ng pornography na labag sa Criminal Code ng Republic of Korea.  Nagtago siya sa Pilipinas noong July 2018 upang takasan ang kanyang pananagutan.

 

 

Ang kanyang pasaporte ay kinansela na rin ng Korean government kaya maituturing siyang undocumented alien.

 

 

Si Jung ay responsible sa pagpapakalat  ng  mahigit 7,400 na malalaswang videos sa internet file sharing websites, isang daan upang ma-access ito ng mga online users. (Gene Adsuara)

Other News
  • WALANG AKTIBIDADES SA CHINESE NEW YEAR SA MAYNILA

    WALANG magaganap na anumang aktibidades sa Chinese New Year sa Maynila sa Pebrero 11, ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno” Domagoso.     Ito ang sinabi ng Alkalde sa kanyang pagdalo sa  120th founding anniversary sa kanyang pakikipagpulong sa mga organizer na walang magaganap na parade sa nasabing pagdiriwang.   Aniya maagang naabisuhan ang mga Filipino […]

  • DoF, aware sa $180 milyon o P9 bilyon na pinasok na pera ng mga Chinese nationals

    HINDI lingid sa kaalaman ng Department of Finance (DoF) ang $180 milyon o P9 bilyon na pinasok na pera ng mga Chinese nationals sa bansa mula Disyembre 2019 hanggang Pebrero ng taong ito.   Sinabi ni Department of Finance Asec. Tony Lambino sa Economic Briefing sa New Executive Building (NEB), Malakanyang na inireport na ng […]

  • Ads April 26, 2022