• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JULIA, malaki ang pasasalamat kay Direk BRILLANTE sa ‘di malilimutang experience sa ‘Bahay Na Pula’

NAKATAPOS na pala ng isang pelikula si Julia Barretto na mula sa direksyon ni Brillante Mendoza, ang Bahay Na Pula na soon ay ipalalabas sa Vivamax.

 

 

Muli niyang makakasama ang isa sa leading man sa serye ng Di Na Muli na pinalalabas sa TV5 na si Marco Gumabao at kasama rin si Xian Lim.

 

 

Sa IG post ni Julia ganun na lang ang pasasalamat niya kay Direk Brillante, “It’s a wrap as Jane in Bahay Na Pula. An experience I will cherish forever.

 

“Thank you @brillante_mendoza I have learned so much from you and will take it all to heart.”

 

 

Masuwerte si Julia na dahil isa nga siya sa Viva Princess, hindi talaga mawawalan ng project at ngayon nga nakatrabaho pa niya ang premyadong direktor, kaya tiyak na mapipiga ang kanyang pag-arte.

 

 

Say naman ng mapagmatyag na netizens:

 

 

“She is Viva new princess. Viva makes a looot of movies btw. But looks like none of them hits. It is like made by Viva and for Viva audience only.”

 

 

“Taray ni julia noh? nega image siya and hindi marunong umarte pero sunod sunod ang mga pelikula.”

 

 

“Sa Viva naman merong projects whether movie or sa TV 5 para sa artists nila gaya nila AJ Raval, Donnalyn, Marco Gumabao, Diego Loyzaga, etc. Ang tanong eh pumapatok ba o may nanonood.”

 

 

“Marunong naman siya umarte na. Nakita ko dati yung clip ng Maribella sobrang bano niya. Pero a few years later nung napanood ko ulit, marunong naman na siya.”

 

 

“She is undeniably beautiful.”

 

 

“She’s a good actress. Looking forward to this movie.”

 

 

“Daming ganap! You go girl! Basta always remember be humble lang lagi and always trust the process.”

 

 

***

 

 

SIMULA ngayong Lunes, ibinabalik ng GMA Network ang romance-fantasy series na Ang Lihim ni Annasandra sa Afternoon Prime block.

 

 

Ang original drama series ay pinagbidahan ng Kapuso leading lady na si Andrea Torres ang alluring but street-smart vendor na si Annasandra.

 

 

Kasama niya bilang leading man sina Mikael Daez as William Benitez, at Pancho Magno as Enrico, na parehong iibig kay Annasandra.

 

 

Kasama rin si Rochelle Pangilinan bilang Esmeralda, ang mysterious mountain dweller na isusumpa si Annasandra to na maging awok.

 

 

Part din ng cast sina Glydel Mercado, Emilio Garcia, Ma. Isabel Lopez, Arthur Solinap, Joyce Burton, Cris Villonco, Gab de Leon at Erika Padilla.

 

 

Ang Lihim ni Annasandra ay mula sa direksyon ni Albert Langitan.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • RABIYA, maayos na pinatulan ang matinding pang-i-insulto sa kanya ng isang basher

    NAKAAALIW ang IG post ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na kung saan na naka-baker outfit kasama ang nakapaglalaway at binabalik-balikang Raisin Bread sa Baguio City.     Caption ng bagong Kapuso star, “Minsan action star, minsan panadero.     “Was privileged enough to see how to make the ever famous Raisin Bread ng […]

  • 8 patay sa 3 insidente ng avalanche sa Austria

    PUMALO  na sa walong katao ang nasawi sa naganap na avalanche sa Australia.     Sa loob kasi ng dalawang araw ay nagtala ng tatlong malawakang avalanche.     Unang nasawi ang 58-anyos na lalaki ng tumama ang avalanche sa bayan ng Schmirn.     Habang sa parehas rin na lugar ay nasawi ang 42-anyos […]

  • Enchong, walang takot maghubo’t hubad sa ‘Alter Me’

    KAYA naman pala nasa Top 10 ng Netflix Philippines ang pelikulang Alter Me dahil sa mga sobrang daring ng bida nito na si Enchong Dee.   Sumabak sa maraming maiinit na eksena si Enchong at wala itong takot maghubo’t hubad. Ilang beses na pinakita ang puwet niya sa mga sex scenes at ang almost frontal […]