• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Roque, nagpaalam na bilang tagapagsalita ni PDu30 at ng IATF

NAGPAALAM na si Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko na iiwan nito ang kanyang posisyon para harapin ang hamon sa kanyang pagtakbo sa pagka-senador.

 

Sa kanyang virtual press briefing, sinabi ni Sec. Roque na ito na ang huling araw na tatayo siya bilang tagapagsalita ng Pangulo at tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force (IATF).

 

Hindi naman binanggit ni Sec. Roque kung sino ang papalit sa kanya bilang tagapagsalita ni Pangulong Duterte.

 

“Nagpaalam na po ako kay Presidente Rodrigo Roa Duterte at kay Mayor Inday Sara Duterte para sa panibagong hamon na aking haharapin mula sa inyong pagiging Spox ay nais ko pong maging action man sa Senado,” ayon kay Sec. Roque.

 

Bago pa magtapos ang kanyang press briefing ay pinasalamatan ni Sec. Roque ang lahat ng kanyang nakasama sa Office of the Presidential Spokesperson.

 

“Sa OPS hanggang sa mga kasama natin sa Malacanang Press Corps, sa RTVM, sa PTV, Usec. Rocky.. iloveyou, Radyo Pilipinas, Philippine Information Agency, Malacanang Records Office, transcribers, photographers ng NIB, Presidential Photographers Division, PSG partikular sa S3 at sa buong Pilipinas na tumangkilik sa atin,” lahad ni Sec. ROQUE.

 

Sa kabilang dako, tiniyak ni Sec. Roque na walang kinalaman ang kanyang lagtakbo sa pagka-senador sa naging pagkatalo niya at mabigo na makasungkit ng posisyon sa International Law Commission (ILC).

 

“Wala naman po noh? pero siguro po sabihin na lang natin na dahil nga po ako’y nagkaroon ng isang salita na tatakbo lang ako kung tatakbo po si Mayor Sara eh tumakbo na po si Mayor Sara. Kinakailangan, panindigan din natin ang nasabi nating salita,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Pero ulitin ko po noh? ang pagtakbo po natin para itaguyod muli ang ating mga buhay sa pamamagitan po ng pag-iingat buhay,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Tokyo Olympic organizers magtatayo ng sariling disease control centers

    Plano ngayon ng Tokyo Olympics organizers at mga Japanese officials na maglagay ng infectious disease control center para matiyak na hindi magkakaroong n hawaan ng COVID-19.   Papangalanang ito bilang Organizing Committee Infectious Disease Control Center.   Magiging trabaho nito ay magkaroon ng testing at tracing ng mga nadadapuan at magsagawa rin ng mga isolation […]

  • Garapal na online sellers ng face mask, alcohol tutugisin ng DTI

    TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) na hahabulin nila ang mga garapal at hindi lehitimong online sellers na nagbebenta ng face mask, alcohol, sanitizers at iba pa sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19).   Sa Laging Handa press briefing sa New Executive Building (NEB), Malakanyang ay sinabi DTI Secretary Ramon Lopez na hindi […]

  • MMDA nilunsad ang P300 M na command center

    NAGKAROON ng inagurasyon noong nakaraang linggo ang pinakabago at epektibong command at communications center ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bansa na siyang magiging “nerve center” sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.       Nagkakahalaga ng P300 million ang nasabing command center ng MMDA ayon kay MMDA chairman Don Artes.     […]