• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHRISTIAN, mukhang mangangabog na naman sa awards nights ng ‘2021 MMFF’

MUKHANG mangangabog si Christian Bables sa awards night ng 2021 Metro Manila Film Festival.

 

 

Maganda ang role ni Christian sa Big Night where he plays a beautician na gagawin ang lahat matanggal lang ang pangalan niya sa watchlist ng mga suspected drug addicts.

 

 

“Kahit na comedy ang pelikula ay seryosong topic ang pinag-uusapan. We want to treat it light. Kung tumanggi si Christian sa role, di ko itutuloy ang movie dahil bagay na bagay siya sa role,” kwento ni Direk Jun Lana about his actor.

 

 

Gay role na naman si Christian sa Big Night pero kapwa sila nag-effort ni Direk Jun to make sure na ang portrayal niya ay iba sa gay movies na nagawa na niya under Direk Jun.

 

 

“I needed someone na familiar, commercial na magdadala ng pelikula pero mayroon akong hinahanap na trait na si Christian lang ang pwedeng magbigay. Sarcastic pero at the same time kaya rin niya niya magpatawa at kaya rin magdrama nang todo,” sabi ni Direk Jun.

 

 

“Mabuti nga pumayag kasi noong una namin siyang tinanong yan, umayaw kasi another gay role pero we when explained to him the role, tinanggap niya agad. It’s Christian or nothing. Feeling ko mananalo na naman siya kasi si Christian, ang galing-galing.

 

 

“’Di ba ang galing-galing niya sa comedy. Ang galing din niya mag-shift from comedy to drama kaya kailangan si Christian kasi kinakailangan na kayang mag-comedy at magdrama at the same time.”

 

 

***

 

 

HAPPY si Shido Roxas na may natapos siyang pelikula ngayong pandemic at napili itong entry sa 2021 Metro Manila Film Festival.

 

 

Titled Nelia, bida rito sina Wynwin Marquez at Raymond Bagatsing. First movie ito ng A & Q Film Productions owned by Atty. Aldwin Alegre and Atty. Melanie Quino. The movie is directed by Lester Dimaranan.

 

 

“Fortunately, I am grateful to have been given opportunities to be part of two films,” sabi ni Shido nang makausap namin.

 

 

Ayon sa hunk actor, ang malaking challenge sa paggawa ng movie during the pandemic ay ‘yung mobility ng mga tao given the IATF restrictions sa bawat LGU.

 

 

Dahil mahina ang trabaho sa showbiz during the pandemic kaya naisipan ni Shido na mag-venture sa Swab business which is very timely.

 

 

“I am thrilled that Nelia was chosen as one of the festival entries. There were 19 top caliber films that competed for a slot and to be chosen as one of the Magic 8 is just a cherry on top.”

 

 

Sa movie ay isang compassionate na doctor na may ibang agenda ang role niya.

 

 

He is hoping for the best for the film industry ngayong nag-open na muli ang mga sinehan.

 

 

“It’s about time that we embrace once again our past time of watching movies,” sabi ni Shido.

 

 

He is likewise looking forward na makanood ng movies again sa sinehan.

 

 

“Yes, I am confident that cinemas will be safe to be at considering safety and health protocols being imposed,” pahayag pa niya.

 

 

Aside from Nelia, kasama rin si Shido sa Caught in the Act, which tells the story of a group of High School students who invented an app that aims to alleviate crime.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Netflix Reveals the Trailer to the Newest Animated Musical Film ‘Vivo’

    AFTER getting us excited by treating us with a clip from the movie last week, Netflix finally reveals the trailer to Vivo, the newest animated musical film, coming to the site this August 6.     The film features a star-studded voice cast, which includes Lin-Manuel Miranda, Zoe Saldaña, Gloria Estefan, and more.     See the […]

  • Kaya nagpapaganda ng katawan: KRISTOFFER, naghahanda sa pagsali sa triathlon at sa mega serye

    MAY dahilan kung bakit nagpapakondisyon at nagpapaganda ng katawan niya ang Kapuso hunk na si Kristoffer Martin.  Naghahanda siya para sa kanyang pagsali sa triathlon. Sa Instagram, nag-post si Kristoffer ng isang video kung saan makikita ang bortang katawan niya na subsob sa workout at training. Nilagyan pa niya ng caption na: “And so it […]

  • SUNSHINE, tuluyan nang gumaling sa COVID-19 dahil sa pagbi-beach kasama ang mga anak

    DAGAT lang daw pala ang magpapagaling ng tuluyan sa actress na si Sunshine Cruz.     Simula raw kasi nang tamaan siya ng COVID-19 kunsaan, mas higit pa sa 14 days ang naging healing period niya, inamin ni Sunshine na naging weak o mahina na raw ang lungs niya.     May mga gabing hindi […]